C5: New York Escapades

1K 10 2
                                    

August 2. 2025. 8:30 pm (Philippine Time)

Ugh. Hindi ko alam kung paano ko ieexplain ang nangyare ngayong araw. Ni hindi ko nga ma-explain kung trabaho ba ang pinunta namin dito o nag sight-seeing lang at nagbili ng souvenirs. Ang dami naming pinuntahan. Ang usapan nga 12 noon ang meeting naming magkakaibigan pero 9 pa lang umalis na kami para mag sight seeing. Jusme, 27 na ba talaga kaming magkakaibigan?

Ni hindi ko na nga magawang magpalit ng damit sa sobrang pagod. Napunit pa yung paborito kong pantalon sa may pwitan. Bwiset na yan. Para akong na-harass ng mga aso dito sa New York.

Habang iniisip ko talaga yung mga nangyare kanina, hindi kapani-paniwala...

(KANINA)

August 2, 2025. 9:12 am. (Philippine Time)

Naririndi na ako.

Kanina pa kase hindi alam nitong mag-asawa na 'to kung saan kami unang pupunta. 

"Ganito kase babe, ba't hindi muna tayo pumunta sa Central Park?" Panimula ni Paolo.

"I want to view the Statue of Liberty babe." Inis na remark ni Melissa.

"How about Times Square?" Suggest ni Paolo.

"It's still to early ano balak mong gawin do'n? Maganda lang lalo dun kapag gabi." Reklamo ni Melissa.

"Eh san mo gusto?" Naiinis na reply sa kanya ni Paolo.

Ramdam namin nila Justin, Mercy at Arjie ang tension sa limousine kahit simpleng pag-aaway lang to ng mag-asawa. Grabe pati mga ganito pala dapat pag-awayan.

"Sa New York Aquarium na lang kaya tayo guys?" Suggest ko sa kanila. Mamaya dahil sa bwiset na larga larga namin na 'to maging debate na sa korte tong mag-couple. Parehas silang tumitig sa isa't isa. Isang senyales na maganda yung idea na sinuggest ko.

______________________________

August 2, 2025. 10:56 am. (Philippine Time)

Nakarating na din kami sa New York Aquarium. One of the oldest operating aquarium in the United States. Ngayon pa lang ako makakapunta dito. At sakto palang ilang beses na nakadalaw dito si Melissa at Paolo bago sila magpakasal.

Nagpumilit ako pumasok agad sa large aquarium area nila. And this is as good as the one in the Philippines. Naririnig ko na nagtatawanan sila Arjie at Justin habang tinuturo yung mga mukha ng isda.

"Pre, sabi ko naman sa'yo wag ka nga-nganga sa ilalim ng tubig eh. Tamo panget mo dyan ohhh." Turo ni Justin sa isda na may malaking bunganga na kala mo makakawala sa makapal na glass ng aquarium.

"Oh pre. Walang ganyanan. Matatalo ba ng kapogian ko yang pagmumukha ng isda na yan?" Sabay hampas kay Justin sa likod. Mukha namang nag-eenjoy sila habang pinagtatawanan yung mga mukha ng isda. Di ko masabe kung natatakot yung mga isda sa pagmumukha ng dal'wang yon eh.

"Siguro masarap i-ulam yan no?" Sabi ko sa sarili ko.

"Tae, ngayon na nga lang kita makikita ulit tapos gusto mo pa kainin yung mga inaalagaan  ditong isda sa aquarium."

Napaharap ako sa boses na narinig ko. 

"Uy waniiiip. Andito pala si KarloBa." Narinig kong tawag sa kanya ni Justin. Hmmm. KarloBa tawag sa kanya nung fourth year kami e. Karlo Balasabas. Kaharap namin siya ni Kirsten sa arrangement ng mga upuan. Laughtrip na laughtrip siya lalo na tuwing nagjojoke ako.

CHANGE: Ten Years AfterWhere stories live. Discover now