C15: Home From Paris

593 9 0
                                    

September 25, 2025. 7:13 am.

Ang init. 

Super init.

Andito ako ngayon sa gitna ng traffic. Bakit kamo? 

Papunta ako ng airport. Tinawagan ako ni Melissa kagabi na pauwi na sila. Grabe, yung magbestfriend na yun talagang pumunta pa ng Paris para lang magawa yung business na matagal na nilang plinaplano kahit nung high school pa lang kami. Si Sandy Sadim at Elsa Carandan. Kaya lang uuwi yung dalawa ngayon kasi malapit na yung reunion at gusto muna nila magstay sa Pilipinas for three months.

Napatingin ako sa relo ko sa kaliwang kamay ko. Damn! Masisinghalan na naman ako ng mga kaibigan ko sa pagiging oh-so-fashionably late ko. Lagi naman eh. Di ko kasalanan this time. This heavy traffic is driving me nuts. 

Hinablot ko muna yung phone ko sa bag.

Huh? Nagva-vibrate 'to.

Tiningnan ko ang screen at may tumatawag pala.

Si Katherine.

"Uy be, asan ka na ba? Grabe, wag kang talkshit ha." Ano ba naman 'tong babae na 'to di ba siya sanay na late nga ako lagi. As always. And forever will be hayy.

"Oo na be. Traffic lang talaga dito sa SPHESDA. I'll be there half an hour ha?" Sabi ko kay Katherine sabay patay ng phone. Kailangan na talaga umusad nitong pesteng traffic na 'to.

__________________________

September 25, 2025. 8:08 am.

Okay.

Late ako ng halos mag-iisang oras. Mabuti hindi nagalit 'tong mga kasama ko. At saka  na-delay pala yung landing ng eroplano nila Sandy at Elsa. At least nakaabot ako. Nandito kami ngayon sa isang branch ng Starbucks sa loob ng airport. As usual, kami nila Katherine, Passel at Michy ay napapatunganga sa mga sobrang hunk na foreigners. Gosh. Look at those abs!

"Oh be, mabuti pinayagan ka ng asawa mo makapunta dito. Kala ko ba may sakit yung kambal mo?" Tanong ko kay Michy habang iniinom niya yung Cappucino coffee niya.

"Sinat na lang halos. Inaalagaan ni Warlock eh. Bantay sarado siya sa mga bata. Para nga siyang katulong ang datingan eh. Masyado niyang prina-prioritze yung mga bata." Paliwanag ni Michy. Ibinaba niya yung baso niya sa center table.

"Reklamo naman ne'to. Buti nga ikaw may anak pa na inaalagaan eh. Wala pa atang plano 'tong si Cydo na ano eh..." Sabi ni Passel na medyo padabog.

Natawa ako bigla. "Teka.. ano yun Pas?" Sabi ko na pinipigilang mangiti.

Lahat kami natawa. Napaikot na lang mata ni Denver at Harry sa mga pinagsasabe namin. Hindi nakasama si Lerrica at Justin dahil parehas silang may trabahong kailangan tapusin ngayon sa opisina. Si Chriz at Melissa naman ay may clients na naka-schedule for today. Same goes for Nathalia. So bale sa kompanya namin, kami lang nila Katherine, Denver at Harry ang hindi busy sa araw na 'to. Si Passel naman ay nag-leave muna ng isang araw sa University niya para abangan ang pagdating ng bestfriend niyang si Ella at Sandy. Seatmates kasi silang tatlo nung fourth year kami. 

"Oh kamusta naman business mo, Michy?" Tanong ni Denver sa amin na senyales na itigil na namin yung dikusyon namin about sa marriage lives namin. Ay. NILA pala. Hmp.

"Umaasenso pa lalo. Actually, business nga lang dapat ni Warlock yon kase nagtatatrabaho din ako bilang architect sa may Henvin's." Uminom ulit si Michy mula sa baso niya na may kalahating kape.

CHANGE: Ten Years AfterWhere stories live. Discover now