C6: Embrace Philippines

827 8 0
                                    

August 9, 2025. 6:00 am.

Ang bilis naman ng oras. 

Mag-iisang linggo na pala ako dito sa New York na nakatunganga. Ilang beses na ata nasalo ng unan ko yung laway na tumutulo sa bawat tunganga ko dito. Magdamag kasi akong nasa kwarto. Pa'no ba naman lagi silang nagkakaraoke sa baba.

Tulad ngayon...

"Lord patawaaaaad.~" 

Tae. Kumakanta na naman si Arjie putakteng parang kwago na hindi pa nakakalabas ng hawla. Ughhh. Gusto ko na talaga umuwi ng Pinas. Ano pa ba ginagawa ko dito? Bakit kase 2 weeks pa yung span ng bakasyon ko dito. Nakakatamad na. Naubos ko na halos yung naka-stock na pagkain na nilagay ko sa mini-ref. 

Inopen ko yung Viber ko. 

Yep. Nagkaviber na din ako sa wakas. HAHAHAHA. 

Si Kirsten na naman nag-message saken. Haynako ano naman kaya ipuputak-putak netong babae na 'to. Araw-araw naman kaming magkausap maliban na nga lang sa tuwing sinusungitan niya ko dahil sa pagbubuntis niya. Less than two months na lang magiging normal na rin tong babaeng 'to.

"HUY BE. GRABE LAHAT NA ATA NG PRUTAS BINIBIGAY SAKEN NI BLUE. NAKAUWI NA KASI SIYA GALING SA WORK NIYA GRABE ANG SAYA KO LANG KALIMUTAN MO NA YUNG MGA SINABE KO LAST WEEK GRABE MAHAL NA MAHAL KO SIYA WAG MO KAKALIMUTAN YUN AHHH KELAN KA BA UUWI HUHUHU MISS KO NA LEANDER TAGAL PA NG REUNION UY NAGUGUTOM NA AKO NAGUGUTOM KA NA RIN ATA ANO GINAGAWA MO DYAN...."

Sa totoo lang kung hindi ko 'to kaibigan, hindi ko pagtiya-tiygaan basahin mga nobela niya na mas mahaba pa sa pinapasulat ng teacher namin no'n. Hay.

"Oo be. Next week andyan na kami. Kasama na main si Melissa, Mercy at Arjie." Sabi ko sa kanya.

Ganun lang lagi kaikli ang pag-uusap namin. Kailangan niya kase lagi magpahinga. Hayy jusme. Talaga bang ganito kapag buntis mga kaibigan mo?

.

.

.

.

POING.

POING.

POING.

POING.

May tumatawag. Unknown number nako insta-stalker 'to ah.

"He-hello." Sabi ko sa phone.

"He-hello pang nalalaman tong gaga na 'to. Tae ganyan ba, kalimutan na?"

Huh. Seryoso, di ko talaga kilala kung sino tong kausap ko. Huhu. May nakakaalam ng number ko tapos di nagpapakilala. Mamaya puntiryahin ako dito tas barilin na lang ako nako po. Scared ako. 

"Si-sino po ba 'to? Baka po wrong number." Sabi ko. Pinapakalma ko sarili ko. Takot talaga ako sa mga unknown callers eh.

"Baliw. Ganyan ka na. Nawala ka lang for 6 years, kinalimutan mo na boses ko pati kadyosahan ko."

Kadyosa-han? Psh. Kilala ko na kung sino 'to.

"Ah. Okay. Kadyosahan pala eh. Si Katherine Menil 'to di ba? Or should I say, Katherine Menil Padilla?" Panunukso ko sa tawag nya.

"Hahahaha. Gaga tumpak ka! Grabe di nagpakita for six years, di rin umattend ng kasal ko, tapos malalaman ko na lang kay Kirsten na nakikipagcommunicate ka na ulit sa lahat? Anong kabalbalan yan ha, Des?" Nakakalokong sabi niya.

"Baliw ka. Wag mo ko paiyakin. Patunayan mo nga saken na dyosa ka ha. Magpakita saken gaga ka talaga." Pinipigilan kong umiyak. Isa siya sa pinakanaging bebe ko sa section namin na yon. Lalo na at naging kasama ko siya sa LeanderRealtalk.

CHANGE: Ten Years AfterWhere stories live. Discover now