C9: Rivalry

670 11 0
                                    

Hindi ko alam kung anong oras na. Hindi ko alam kung ilang araw ako natulog o kung ilang oras lang. Hindi ko alam kung ilang beses na ako gumalaw sa kama ko na 'to. 

Hindi ko alam.

Hindi ko alam.

Hindi ko alam.

Ayoko bumaba at makita ang kahit sino sa kanila. Sila. Siya. Talagang siya. Okay naman kami eh... Sa pagkakaalam ko. Parang nasa kulungan yung puso ko. Gusto kumawala. 

.

.

.

Alam kong andyan na sila. Kahit nasa second floor ako rinig na rinig ko ang mga tawanan sa baba. Mukha naman akong naka-quarrantine sa kanila ne'to. Wala naman akong malubhang saket pero feeling ko magiging tahimik pagkababa ko. Na-aw-awkward dan ako sa sarili kong bahay gosh. Aba'y ewan ko. Maliligo na lang muna siguro ako. Nagugutom na ako. Ewan ko ba.

Tumayo na ako sa higaan ko. Wala namang mangyayare kung nakahiga lang ako buong magdamag di ba? So ayun, kinuha ko na yung tuwalya ko, damit ko at lahat na. Yung komportable lang. Maong pants at loose na t-shirt. Pati ba naman damit na susuotin ko naco-conscious na din ako. Ano ba yan nakakainis.

________________________

August 19, 2025. 4:32 pm.

Sinilip ko yung orasan. 

Shet. Ilang oras lang pala tulog ko. Nakapag blower na rin ako ng buhok. Dapat siguro talaga na bumaba na ako. 

.

.

..

.

Unti-unti kong binuksan yung pinto ng kwarto ko. Sabi ko na nga ba maingay sa baba eh. Hayy. Sumilip ako sa may maliit na area ng hagdanan. Mukhang wala namang nakakita saken. Isa-isa kong ininspect yung mga bagong bisita. Sabi ko na nga ba eh. Andito na sila Chriz, Harry, Denver, Patrencia at Kervin. Oo. Si Kervin shet andito siya. Tae mas mukhang Amerikano na siya ngayon tae nag-gu-gluta ba yon? Nagpakalasing ba yon sa gatas? Huhu.

Andaming pagbabago sa kanila. 

Si Chriz Domanico. Ayun, chubby pa din. Kaso nga lang mas tumangkad siya. Makikita mo talaga yung aura ng pagiging seaman niya. Big time na rin pala siya. Umiinom siya ng kape at tahimik lang. Sus, ganyan naman yan dati eh. Kapag kausap mo, talagang sobrang tahimik.

*Flashback*

Naa staircase ako no'n nang biglang nakasalubong ko si Chriz. Papunta kase ako no'n ng Director's Office para ipasa yung letters ko para sa mga ka-retreatants ko.

"Uy, Chriz." Tawag ko sa kanya may kasama pang kaway-kaway.

Grabe dinedma niya lang ako. Actually, DINAANAN lang niya ako. 

Kaya ayun, syempre ayokong dinededma ako kaya hinablot ko siya sa may kwelyo ng polo niya. "Huy, pansinin mo ko may request ako sa'yo." 

Kinalma ko sarili ko. Di ako pwedeng mainis sa mga ganitong klaseng bagay. 

"Pwede bang paggawa ng retreat letter please lang?" Tae ang demanding ko naman humingi ng retreat letter. 

Pero nagulat ako kasi nagsalita siya saken for the first time. 

"Oo sige." Ang tipid nga lang.

*End of Flashback*

Napatingin naman ako kay Denver Clemente - ang madalas na kaaway ni Lerrica noon lalo na kapag may group activities. Sa pagkakakwento nila saken, Renowned Film Maker. Isa na rin siyang Director na sikat na sikat sa California, USA. Nagbreak daw muna siya sa pagfi-film kaya nandito siya ngayon sa Pilipinas for six months.

CHANGE: Ten Years AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon