C24: Boundaries

410 6 5
                                    

Sama samang pumasok ang mga kaklase ko sa loob ng bar. Bumungad agad ang ingay mula sa loob na naging dahilan ng paghihiyawan ng mga lalaking single sa klase naming. Kitang kita rin mula sa labas ang mga babaeng kulang na lang ay maghubad dahil sa sobrang revealing na mga suot.

Kaya siguro titig na titig si Michy at Melissa sa mga asawa nila na kaklase din naming. Hayy.

Naiwan kami ni Kervin sa may tapat ng van na aming sinakyan.

“What is this about, Kervin?” Seryoso kong tanong sa kanya dahil nakakaramdam na ako ng tension na di ko maintindihan sa pagitan naming.

Naramdaman ko ang mabigat na titig ng mata niya saken. Agad kong iniwas ang pagtingin ko sa kanya.

“Okay na sana lahat eh.” Sinabi niya habang papaupo sa sementadong lupa.

Okay na daw ang lahat? Ano daw?

“Ano pinagsasabe mo, ‘Vin? Pumasok na lang tayo sa loob. Malamang magtataka ang mga ‘yon at wala pa tayo. Lalo na yung Miranda mo.” Aakma na sana akong iiwan siya nang hawakan niya ang tuhod ko.

“Hoy wag kang manyak! Bitawan mo tuhod ko!” Sigaw ko sa kanya sabay hampas ng mamahalin kong bag. Syempre, mahal yon. Tapos sinasampal ko lang sa pagmumukha niya.

“Oo na oo na oo na! Wag mo na ako patayin gamit bag mo.” Pagbibitaw niya sa tuhod ko. “Di naman kita minamanyak eh.”

Lumayo ako ng konti sa kanya.

Sapat na distansya lamang para sa maing dalawa.

“Ano bang pakulo ‘to ha? Ano ba pag-uusapan naten bakit kailangang dito pa sa labas?” Pagrereklamo ko. I want to drink! I want to drink ‘til I’m drunk. I want to push every problem away for now.

“Kumalma ka nga, Dessery. Putek naman. Lakas talaga ng pagpuputak ng bibig mo.” Pagsasabi niya na may halong pagiging sarkastiko. “Should you even be worth calling ‘professional’ for that smart mouth?”

Ayan! Bwiset. Nag-smirk na naman siya saken. Hayup na lalaki talaga ‘to.

“I don’t owe you any explanations, Kervin. Di ko maintindihan drama mo at kailangang dito pa sa labas. Ayoko lamukin dito.” Pinahid pahid ko ang sarili ko.

Namuo bigla ang katahimikan sa pagitan namin.

Papasok na talaga ako sa loob pagbilang ko ng tatlo.

Isa…

Dalawa..

Tat-

“Think.” Isang salita na lumabas sa bibig niya.

“Ha? Anong think?” Reklamo ko na naman. Hay. Oo nga hilig magputak ng bibig ko.

“Naisip mo ba na may dahilan kung bakit nagkita ulit tayo? Kung bakit magkausap tayo sa oras na ‘to? Kung  bakit kita tinulungan kagabi? Kung bakit kami naghiwalay ni Miranda?” Nakatitig siya sa sementadong lupang inuupuan niya at wala akong nagawa kundi sundin ang sinabi niya.

Think.

Mag-isip.

Oo nga naman. Bakit nga naman ba kami nagkita ulit? Sinabi ko sa sarili ko noon wala na akong balak makipagkita sa kahit kanino sa kanila. Gusto ko na lang talaga maging successful. Makatulong sa pamilya ko.

Pero.

Nagawa ko na ‘yon eh. At the age of 27, I have everything I’ve ever wanted.

Pero bakit may kulang?

CHANGE: Ten Years AfterWhere stories live. Discover now