C27: In Between

293 5 0
                                    

Malapit na kami umuwi papuntang Pilipinas. In fact, bukas na.

At iyong ang kinatatakot ko.

Dahil noong mga nakalipas na araw, laging dumidikit si Kervin sa akin. Lagi niya akong niyayayang kumain sa labas o di kaya mag star gazing gabi-gabi habang natatakpan kami ng malamig na hangin. Ginagawan niya rin ako ng breakfast in bed much to my surprise. 

"Grabe, Des ha? Effort ni Kervin sa'yo. Parang di galing sa break up yung gago." Natatawang sabi ni Nath sa akin nang nagsama-sama ang girls sa huling gabi ng stay namin sa Korea.

"Oo nga. Baka nakakalimutan mong may malabo kang jowa sa Pilipinas... Hmm." Inaasar na naman ako ni Passel dahil noon pa man siya ang kakwentuhan ko about kay Kervin nung fourth year pa lang kami. 

"Grabe magsitigil nga kayo. Di naman kami nagkakaigihan ni Kervin." Ang sabi ko sa kanila. Pero alam ko sa sarili kong nagsisinungaling na ako. Nahuhulog na ako. 

Sobrang lalim na.

"Sus magaling magsinungaling yang babaeng yan." Sabat naman ni Kirsten habang nilalantakan ang popcorn. Excited din siya makabalik na ng Pilipinas dahil imbes na tatlong araw lang kami dito sa Korea ay naging isang Linggo na. Malamang miss na miss na niya ang mag-ama niya.

"Hep! Nag-iilusyon naman kayo. Mas boto ako kay Kervin no. Gwapo din naman si Brandon kaso iba pa rin si Kervin. Ililipad ka niyan kahit saang parte pa ng mundo mo gusto, Des." Di ko namalayan na nakikinig din pala itong si Pantrecia sa usapan namin dahil kanina pa siya nakatingin sa pinapanood naming movie at nakikipagdaldalan.

Napahugot ako ng malalim na hininga. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Mapapag-usapan talaga naming mga babae 'to sooner or later. At mukhang ngayon na yung oras na 'yon.

"Girl naman kase! Hindi pa naman kayo official ni Brandon eh. Pwede ka pa mag switch kay Kervin. Tagal kang hinintay no'n no." Isa din tong si Hannah eh. Sobra kung maka-push sa akin kay Kervin eh dati nung fourth year kami crush na crush din niya yon.

"Oy amin na Dessery! Girls night out 'to!" Pamimisil naman ni Jaeliana sa kamay ko bago ako magising sa ulirat kong pag-iisip. Napangiti na lang ako.

"Oo na. May gusto na ako kay Kervin."

Hindi ko alam kung paano kami nakabalot ng katahimikan sa loob. Sila Pantrecia, Passel, Hannah, Michy, Sandy at Elsa na nagdadaldalan kanina ay nakatuon na ang pansin sa akin. Sila Kirsten, Lerrica, Kath, Nathalia at Melissa na kanina pa ako iniintriga ay nakatingin na ng diretso sa mata ko ngayon. Sina Midge, Mercy, Precy at Jessa naman ay nakatutok sa pinapanood na movie.Si Alesa at Jaeliana naman ay halos antukin na ngunit nagising sa sinabi ko. Talagang si Miranda na lang ang kulang sa amin dahil kasama yung foreigner niyang new boylet.

At matapos ang katahimikan na 'yon ay ang biglaang pagtili nila na akala mo'y nasa high school pa lang at first time magkaroon ng 'crush'.

"OMG! Pa'no na si Papa Brandon be?" Ani ni Katherine na halos isubsob na sa unan ang kilig niya.

CHANGE: Ten Years AfterWhere stories live. Discover now