C11: Confrontation

601 8 0
  • Ajánlott Meg Abrugar
                                    

A/N: HI GUYS. MAY NAGREQUEST NG PAIRING. HIHI. WALA PONG HATERS HUHUHU. <3 

____________________________

TOK 

TOK

TOK

TOK

TOK

Nakalima sigurong katok sa pinto si Katherine at bumubulyaw ng 'tao pooooooo!'. Kanina pa kasi namin binubusinahan yung bahay nila Michy at Warlock pero talagang walang sumasagot kaya kami na mismo ang lumabas para katukin sila.

Narinig namin ang pag-off ng lock ng bahay nila at bumukas ang pinto.

.

.

.

"Ay anak ng tipaklong. Sila na pala oh! Hoy Warlock lumabas ka dito! Sabi ko sa'yo buksan mo tong lintek na pinto eh!" Lumabas si Michy na may hawak-hawak na sandok. Halatang abala siya sa pagluluto ng iba't ibang putahe.

"Grabe naman 'to. Eh nakabasag na naman eh." Lumabas na din si Warlock ng pinto  na may  hawak-hawak na pira-pirasong mukhang semento. O baka galing 'yon sa nabasag na vase.

Pinalo ni Michy ng sandok si Warlock sa ulo.

"ANO? Nakabasag ka na naman ng mga pigurin natin dyan sa sala?" Tanong ni Michy na gulat-gulat.

"Baket ba ako pinapalo mo ng sandok bakit di yung mga bata? Sila nakabasag di ako." Pagtatanggol ni Warlock sa sarili. Kinapa niya ang ulo niya na dinampaan ng sandok na galing sa sinigang. Amoy sinigang tuloy ulo niya. 

"Grabe guys, pasensya na sa pang-iistorbo ng pag-aaway ninyo ha? May dineliver kasi kami senyo na ikagugulat ninyo." Hinatak ako ni Nathalia sa mas malapit na posisyon kila Warlock at Michy. Mukhang gulat na gulat nga sila kasi anim na taon na nila kaming hindi nakikita.

"Oh grabe ba't may outsider dito? Sino 'to?" Sampal saken ni Michy sabay yakap. Grabe saket talaga manampal ng hayop na 'to. 

*Flashback*

"Ang hirap mag-bending be." Reklamo ko kay Michy dahil pinapabending niya kami para sa cheerleading sa practical test namin sa PE.

"Gaga dali-dali lang magbending eh." Sabi niya saken. Agad-agad niyang binaluktot ang katawan niya patalikod na parang bendy straw sa mga restaurant. Hayup talaga 'tong babae na 'to eh galing siya ng Taekwando Classes malamang easy as pie lang to sa kanya.

"Huhu Michyyy, di ko 'to kaya. Dali na iikot na lang ako." Sabi ko sa kanya sabay arte ng umiikot na parang gulong.

"Gago mag bending ka dyan." Utos na naman niya saken.

Hanggang sa ewan ko ba. Naabot sa pagsasampalan ng pabiro yung ginawa namin. Saket niya manampal bwiset.

*End of Flashback*

"Grabe ano ginawa mo sa buhay mo at matagal kang di nagpakita?" Di ko alam kung ilang beses ko na narinig 'tong tanong na 'to mula sa kanila pero laging parehas ang sagot ko.

"Mas gusto ko lang talaga magtrabaho ng sobra dati." Professional ang sagot heh.

"Ako sasapak dito pigilan nyo ko. Pigilan nyo ko." Arte ni Michy sa aming lahat. Puro lang kami tawa sa labas nang marinig namin yung tunog ng pagkasabag.

"Patay nakabasag na naman sila." Reklamo ni Warlock habang nagkakamot ng ulo na hindi ko maintindihan kung naiinis, naiirita o talagang naiinitan lang.

CHANGE: Ten Years AfterWhere stories live. Discover now