C7: Three Masks and One Child

794 10 4
                                    

A/N: HELLO READEEEERS. Sorry kung medyo maiksi yung part na 'to. Promise mahaba na talaga yung next chapter. Malapit na kasi sa rising action yung story lol. HAHAHA. Suggest-suggest lang ha guys? :)

_____________________________________________

*Flashback*

"Weh seryoso?"

Natatawang sabi saken ni Passel habang nakaangkas ako sa bike na pinapaandar niya. Hindi ko alam kung paano kami naging close, basta ang relasyon namin bilang tao ay love-hate actually. Minsan ayaw namin sa isa't isa tapos minsan sobrang close naman namin. At least, hindi kami plastik sa isa't isa di ba?

"Oo seryoso. Mahilig ako sa lalaking may abs. Shet seryoso nakakatuwa papakasalan ko dapat may abs seryoso." Paliwanag ko sa kanya. Hindi ko alam kung baket pero napunta yung usapan namin sa mga type ng lalak na gusto namin. Natatawa nga ako sa kanya eh. Di daw siya nabibigatan saken. Wanip. Sexy ko talaga.

*End of Flashback*

__________________

August 18, 2025. 9:21 am.

Hindi ko maiangat masyado ang mga daliri ko. Parang naka tape lahat. Binuksan ko ng unti-unti yung mata. Pati pala pagbukas ng mata ang hirap. Parang connected yung mata ko sa utak ko. Ay. Connected nga pala. Kaso this time parang pag binuksan ko yung mata ko, sasabog sa sakit. Ewan ko pero pinilit ko talaga na mabuksan.

Ayun. Success. Nabuksan ko naman mata ko. Puro blurred visions ang nakikita ko. Mga ulo na walang mukha at parang nasobrahan sa effect ng ilaw ang surroundings. Parang nasobrahan sa Camera 360. Pero nung maka-adjust na mata ko, aba'y mga mukha na parang sinabonan ng asukal ang nakita ko. Lahat sila parang tuliro. Espirito na lang ba ako? Kinapa ko ng konti ang kama na pinagsasandalan ng kamay ko.

Hayyy. Buhay pa pala ako. Naks.

"Hoy jusme naman, Des. Wag mo naman kami atakihin sa puso." 

Agad-agad akong kinapa ni Melissa sa noo. Ang init ko araw. Well... Ay kasi ewan ko ba kung bakit nasa hospital ako.

.

.

.

.

AY ONGA PALA. HINIMATAY AKO NUNG NAKASALUBONG KO SI PASSEL.

"Actually be, nilalagnat ka. As in super taas. Stress na stress ka kasi eh. Puro trabaho na naman iniisip mo." Sinabi saken ni Melissa. Sinabi niya kay Paolo na aalis lang siya saglit para tawagin ang nurse na nagbabantay sa akin. 

"Nakanam naman Des. Agaw eksena pa din yang pagiging sakitin mo. Di ka pa rin nagbabago hayyy." Tumayo si Passel sa pagkakaupo sa isang corner ng hospital room na 'to. Dahil mas maliwanag, kitang-kita ko lalo ang ichura niya. Napudpod ba siy sa gluta? Sobrang puti na niya. Tapos naks. Tangkad na din niya. Walang heels heels ah. Edukadang-edukada ang dating. Naalala ko na grumaduate pala siya ng BS Eco sa PLM. 

"Oh, ba't ka pa andito?" Tanong ko sa kanya na may pagkasarkastiko.

"Ay, ayaw mo ko dito? Concern na kaibigan lang naman ako." Sabi niya saken na may pagkasarkastiko din. Tagal ko na rin tong hindi nakikita tapos gago pa din. Hahahaha. Kaya kami nagkakasundo eh. 

Biglang pumasok si Melissa kasama ang nurse.

"Based sa test, Ms. Monteposo, okay naman ang vitals nyo. Actually, dahil lang talaga sa tremendous stress lang yung dahilan ng breakdown ninyo. You're free to go na po." Sabi saken ng nurse na mukhang napipilitang maging mabait. 

CHANGE: Ten Years AfterWhere stories live. Discover now