C19: Mix 'N Match

481 6 2
                                    

October 1, 2025. 11:48 am.

Nakita ko na lang ang sarili ko na nasa tapat ng hospital kung saan nagtatrabaho si Jaeliana. Halos kumaripas na nga ako ng pagpapatakbo dito sa sasakyan dahil akala ko late ako. Yun pala may inaasikaso pa siya sa loob kaya nandito muna ako sa labas. Ayaw ko kasing napapalibutan ng lugar kung saan maraming dugo.

Takot pa naman ako sa mga nagkakalat na dugo ughh.

Hindi ko din alam kung bakit ba ako pinapapunta ni Jae dito eh. Sabi lang niya pumunta ako dito nung birthday ko. Jusme, kung alam ko naman na maghihintay pala ako dito sa labas ng carpark muna eh di sana nag-coffee shop muna ako. 

Tulad ng kagabi...

... yung nilibre ni Brandon. 

Napangiti ako bigla. Ano ba yan, Dessery ano bang problema mo?

.

.

.

"Uy Dessery! Sorry!" Napatingin ako bigla sa tumatakbong si Jaeliana na mukhang galing lang sa operating room. May blood stains pa kasi yung white coat niya. Jusme, blood. "Sorry di na kita pinapasok. Andami kasing mga naghihintay na patients sa loob eh. Alam ko namang di ka pwede sa mga gano'n."

Nginitian ko siya. Siguro kung naging doktor ako, baka patay na ako ngayon. 

"So ano ba yung dahilan at gustong-gusto mo ako pumunta dito, aber?" Sabi ko sa kanya.

Nakakagulat.

Biglang naging devilish yung mata niya na ewan. Ay jusko, nakakatakot.

"Makikipag blind date ka ngayon!" Sabi niya sa akin habang tumatalon talon. Excited na excited 'tong lokong babae na 'to.

HA? ANONG BLIND DATE?!

"A-ano baaaa. Di ako nakikipagblind date, Jae. Alam mo yaaan." Sana'y patawarin ako sa mga kasalanan ko pero di talaga ako nakikipag blind date. 

"Arte naman neto oh! Di naman kita ise-set up sa milyonaryong matanda na naglalaway eh. Hunk 'to pramis. College friend ko siya." Natatakot na ako sa hitsura ni Jae. Talagang desidido siya na iset-up ako dito sa kaibigan niya na 'hunk' daw.

"H-ha? Ehhh. Jae naman eh." Sinusubukan ko talaga pumiglas. Nararamdaman ko na yung pagigig pasmado ko. Ayoko talaga 'tong pinaplano ni Jaeliana eh.

"Kapag hindi ng-work out itong date na 'to, di na kita iba-blind date kahit kanino, okay?" Sabi niya sa akin habang kinakaladkad ako pasakay ng kotse niya. Iiwan ko muna yung kotse ko sa parking lot ng hospital nila. Nako po, sana tama 'tong ginagawa namin.

_____________________

October 1, 2025. 12:01 noon.

Dinala ako ni Jaeliana sa isang Japanese restaurant. Mahilig ako sa japanese food and surely given na 'yon. Napaawang tuloy ulit ako ng mukha. 

*Flashback*

"San ba dito yung Tokyo-Tokyo?"

Napatingin ako sa kanya habang palinga-linga siya sa paghanap ng Tokyo-Tokyo sa dami ng tao dahil may sale.

"Ha? Bakit gusto mo sa Tokyo-Tokyo?" Pagtatanong ko naman. Pa'no niya nalaman na gusto ko doon kumain?

Natawa siya saglit. 

"Alam ko naman na gusto mo kumain do'n eh. Halatang-halata ko no." Nakakatuwa talaga pag nakangiti siya ng gano'n. 

"Oh, tara na nga. Wag mo ko ngitian ng ganyan." Tumingin ako sa ibang lugar para di niya makitang napapangiti ako. Ayoko na nang-aasar siya ng ganon eh.

CHANGE: Ten Years AfterWhere stories live. Discover now