C14: Birthday Celebration Part II

628 9 1
                                    

September 23, 2025. 8:37 pm.

Isang panghahamak na tingin.

Oo. 

Ewan ko kung imagination ko lang 'to. Or talagang assuming lang ako. Kanina ko pa kasi ramdam na parang familiar yung aura ni Kervin sa lalaking nakasayawan ko kanina.

Napahagikgik ako ng konti. Oo nga, Dessery. Assuming ka nga.

Sinabayan ko sila sa isang table na hindi pa occupied. Katapat ng table na 'to ay ang malaking bintana kung saan makikita ang entrance sa Le Grande Garden. 

"Sige na, love. Maglibot-libot tayo doon mamaya sa garden. Tutal naman doon magaganap yung Midnight Fireworks Display ng birthday ni Des eh." Naririnig ko ang pagmamaktol ni Miranda kay Kervin habang hinhila ang braso nito na parang batang nawawala sa mall. Kinuha ko yung kutsara na nahulog ni Miranda. Shet. MUKHA AKONG ALALAY DITO.

"Osige. Lahat naman doon ay pupunta. Might as well enjoy the scenery, right?" Hinawakan ni Kervin ng mahigpit ang kamay ni Miranda. Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong maging spoon killer ngayon - ngayon lang. Mukhang naramdaman naman ni Kervin ang aura ng apoy sa likod ko.

"Bakit Dessery? May kailangan ka ba?" Tanong niya sa akin. Eh kung palayasin kaya kita dito hindi naman kita ininvite. Psh. Sila Nathalia ang nag-invite sa mokong na 'to eh.

Nginitian ko na lang siya. Smile is the best revenge ika nga. "No worries at all. Gustong-gusto ko lang talaga makipagkwentuhan muna sa inyo. I neveeeeeeeer knew na magiging kayo eh." 

Naramdaman ko ang pagkailang bigla ni Kervin at Miranda. Did I hit the spot? Lihim akong napangiti.

"Uhm, actually, when you left, Miranda was there to pick up the pieces. That's the whole damn summary." Agad na pag nguya ni Kervin na hindi man lang ako tiningnan. Nalunok ko ng biglaan yung laway ko. Di ko inexpect na bitter ang datingan ng sagot niya. Ilang na ilang ang gago. This is becoming interesting.

"Love, dahan-dahan sa pagnguya. Mamaya mabulunan ka." Paalala ng beloved girlfriend niya sabay alok ng tubig. Naiirita na ako pero Des stay calm lang ha. Keribels mo yan. Dalawang dating classmates mo lang 'to. Wala dapat dahilan para masira ang maganda mong gabi.

"Ah. Mukhang kailangan ko ng kausapin ang ibang guests. Wag kayo masyado magmadali umalis ha? I hope you both enjoy the evening." Iyon lang ang sinabi ko at taas noong umalis sa kinauupuan ko. Damn him and his reflexes!

.

.

.

.

Dire-diretso akong naglalakad papunta sa may staircase nang tawagin ako ni Melissa.

"Beeee! Happy Birthday! So, anong masasabi mo sa prinepare namin na birthday celebration na 'to para sayo?" Giliw na giliw na pagyakap saken ni Melissa. Napansin ko kaagad ang nakangising si Paolo na nakikipagtawanan kay Arjie.

"Nako be. It's everything I've ever dreamed of. It's very unexpected. Thankyou so much. Grabe feeling ko kumpleto na ang 27 years ko sa mundo." Pabiro kong sabi sa kanya.

"Sus wala yan. Siguraduhin ninyo lang na masusurprise ako sa 30 ha? I'll be 27 by then. Nako. Wag nyo ko i-spoil. Wag nyo ko i-spoil." Natatawang sabi ni Melissa sa akin. "Here's your gift be. Please, stop stressing yourself. Dumating lang sila nagkaroon na ng bilbil yang noo mo."

Tama si Melissa. So ano ngayon kung andito yung dating lalaki sa buhay ko at ang bagong babae sa buhay niya? What's there to be bothered about? Psh. Nakakainis naman eh. 

CHANGE: Ten Years AfterWhere stories live. Discover now