C1: Communication

1.9K 12 0
                                    

June 24, 2025. 9:40 am.

"Are you sure these are all the files required for today's meeting?"

"Affirmative, ma'am."

"You may take your leave then."

Ang saket ng ulo ko. Andami na kasing kailangan ayusin eh. Ngayon na yung merging ng dalawang kompanya. Ang Ozcords, Inc. at Alidana Corp. kung saan naman isa ako sa mga Managers. Ang laki nga ng sweldo ko eh. Nakapagconcentrate ako sa pag-aaral dahil sa mama ko. Hindi talaga ako nagboyfriend no'n. Muntik na, pagkakaalala ko. Pero okay na din. Succesful naman ako ngayon. Nabilhan ko na ng bahay si mama. Ang galing nga e. Lahat ng perang kinikita ko sa kompanyang ito para lang talaga sa dal'wang babaeng importante sa buhay ko, Si yanyan at si mama.

Napatingin ako sa bintana ng opisina ko. Kitang-kita ko ang lawak ng area ng kompanya namin. Napangiti ako. Naalala ko na ganito ang pangarap na bahay namin ng mga ka-section ko nung fourth year high school ako. Kasinglawak ng isang kompanya. Hahaha. Kamusta na kaya sila ngayon? Huling balita ko sa kanila 6 years ago pa. Di na kasi ako nakakapag-online sa facebook, twitter o tumblr. Naging seryoso ako sa trabaho ko. Hindi na rin ako naka-attend ng mga reunion kung meron man. Nagpalit na din ako ng number. Grabe, kamusta na kaya sila?

Tok. Tok. Tok. Tok.

"Ma'am the meeting will start within twenty minutes." Sabi ng sekretarya ko.

"I'll show up at 10."

____________________________________________________

June 25, 2025. 11:30 am.

Ah. Day off ko pala ngayon. Buti na lang late ako nagising. Grabe. 27 years old na pala ako this year. Ang tanda ko na. Huli ko pang naging boyfriend nung 15 years old. Shocks. Ano ba ginawa ko sa buong buhay ko? Puro pala pag-aaral at trabaho. Hindi na ako nagmahal. Nakakapagod eh. Itinuon ko lahat sa pamilya ko. Puro ako grabe. 

Napaupo ako sa sofa ko. Nakapundar ako ng sarili kong bahay. Mas malapit kasi dito trabaho ko kaya dito ko naisipang tumira. Kesa naman sa bahay namin Urduja, napakalayo. Medyo wala naman akong kailangang tapusing trabaho ngayon. Tinapos ko na last week eh. 

Hmm. Buhay pa kaya facebook ko? Malamang inamag na yung profile picture ko. Wala na rin akong recent posts for 6 years. Grabe ano na kayang mga nagbago? After college puro na ako trabaho eh. Hayyy.

Nag-log-in ako.

Username: Winsijeeeeey

Password: ******************

Aba. Nakapasok pa ako. 

Pero shet. Anyare sa mga notifications ko? Sandamakmak na messages! 99 and above ughhh. Di ko muna pinansin yon. Pumunta agad ako sa grupo naming Leander na "LeanderTaker/ChrysLEANDer".

CHANGE: Ten Years AfterWhere stories live. Discover now