C16: Enchanted Part 1

537 6 3
                                    

September 30, 2025. 8:00 am.

Oh ayan. Super aga ko kaya ngayon. 

Birthday kasi ng kaibigan naming si Melissa. 27 years old na siya naks. 

Actually, si Paolo talaga ang nagplano ne'to. Pinaghadaan talaga nila ni Lerrica kasi sa aming lahat, mas magkakilala na ng matagal si Lerrica at Melissa. 

"Anong oras ba pupunta dito si Melissa at Paolo?" Tanong ni Warlock sa akin. Kanina pa pala ako nakatulala. Nasa tapat kasi ako ng entrance ng gate ng EK. Ughh. Ano nga ba ginagawa ko dito?

"Di ko alam eh. Sabi lang ni Lerrica mga 12 noon daw." Sabi ko kay Warlock.

Pumunta ako sa loob ng kotse ko at nilabas yung decorations. Ide-decorate kasi namin yung isang malaking cottage doon kung saan kami kakain at magcecelebrate mamaya. Afterwards, didretso kaming lahat sa pagsakay ng rides. Since nabayaran na namin lahat para sa rent, amin lang 'tong buong EK for one day. Tapos masasakyan pa namin lahat ng rides ng paulit-ulit ng walang abala.

Nakarinig ako bigla ng pagtatakbuhan at ingay ng mga bata. Napangiti ako. Oo nga pala. Dala ni Warlock at Michy yung kambal nila kaya masaya at lively. Naalala ko na pupunta din pala si Kirsten at Blue ngayon. Nakakalakad na kasi ng maayos si Kirsten pero hindi pa nila madadala yung si Kyle. Baka kasi maexpose masyado sa environment.

Lumapit sa akin si Autumn, yung babae sa kambal nila Michy.

"Tita, where's your baby?" Tanong niya saken.

WHAT? ANONG BABY?!

Nginitian ko siya at binuhat. "Tita doesn't have a baby yet, Baby Autumn." Sabi ko sa kanya sabay pinaikot-ikot siya na kinatuwa naman niya.

"Oh, tamo Des! Pati anak ko hinhingan ka na ng anak. Hanap - hanap din kaseeee." Pang-aasar saken ni Michy. Sabay pa silang tumawang mag-asawa. Mga bwiset talaga. 

"Eh kung tulungan ninyo na lang ako alisin 'tong boxes ng designs para sa cottage e no kesa sa prinoproblema yung pagkakaroon ko ng anak. Nasan na ba si Katherine at Justin?" Tanong ko sa dalawang naglalaro sa mga anak nila. 

"Ah. Kinakausap nila yung caterers. May naging problema ata eh." Sabi ni Michy sa akin. 

"Ah. Kaya na nila yon. Eh sila Chriz at Denver?" Tanong ko ulit.

"Aba malay ko! Hanapan ba ako ng mga nawawala?!" Bulyaw ni Michy. Natawa ako bwiset. Sinampal ko siya ng pabiro at iniabot ang boxes ng decorations kay Warlock. "Dalhin mo na yang sa cottage susunod na ako." Sabi ko sa kanya.

.

.

.

.

Dumiretso ako sa food court area na ngayon ay sarado kasi kami lang ang nagparent nito. Nakita ko agad si Chriz at Denver na parehas nag-aayos ng wires at cables. More on laptop ang gamit ni Denver.

CHANGE: Ten Years AfterWhere stories live. Discover now