C28.1: Decisions

293 3 6
                                    

A/N: Ito po yung sinasabi kong SPECIAL CHAPTER since iba-ibang POVs ang mababasa ninyo and the flashbacks are back! Magkaka-idea kayo later on! Maliliwanagan na rin kayo sa mga love story ng ibang characters na naudlot noon at yung mga on going love stories nila as of now. Enjoy this Chapter guys! 2 more chaps to go. :-)

__________________________

 JUSTIN’S POV

Napatingin ako sa dako niya at nakitang ibaba na niya yung maleta niya mula sa hagdan. Walang pagdadalawang isip ang ginawa ko. Umakyat ako sa hagdan at pinuntahan siya.

“Ako na maglalagay sa kotse.” Agad kong kinuha yung bag na hawak niya para di na lang siya makapagsalita. Mali kasi ‘tong nararamdaman ko eh. Sa isang linggo naming dito, sobrang awkward ng pakiramdam ko. After high school kase, hindi na kami nagkikita madalas. Ito na siguro yung pinakamatagal na nakasama ko siya eh.

Napangisi ako.

Funny thing is that kahit may asawa na siya, wala pa rin siyang pinagbabago.

Agad pumunta sa sasakyan at nilagay ang gamit niya pati na rin ang iba pang mga bag na nasa labas ng van. Babalik sana ulit ako sa bahay nang pagharap ko ay nakasunod pala siya saken.

“Oh, ba’t napatunganga ka dyan?” Tanong niya sa akin na akala mo walang alam. Ayy oo. Wala nga pala siyang alam.

“Nilagay ko lang naman yung mga gamit sa dapat lagyan no.” Sagot ko. Hindi ko siya matingnan sa mata. Kailangan ko itatak na hindi na talaga ito tulad dati. Hindi na siya saken. Kay Daniel Padilla na siya. Psh.

“Kung makapagsungit ka naman saken kala mo ang pogi-pogi mo. Sure ako wala na yang abs mo na yan!” Pagsinghal niya saken kaya natawa na lang ako at tinaas t-shirt ko para ipakit yung 6-pack abs ko. Sorry not sorry.

Nakita ko siyang napanganga. Syempre, di niya ineexpect yun no.

“Oh, ano ka ngayon?” Pagpitik ko sa kanya sa noo at aalis na sana.

“Wala ka pa rin pinagbago no. Weirdo ka pa din. Kaya siguro di tayo nagtagal no’n.” Medyo mapakla yung nagging huling linya niya. Nagtagal? Bakit nga ba ako nagtataka pa? Masakit na magsalita si Katherine Menil noon pa.

Noong wala pang ‘Padilla’ sa huling pangalan niya.

“Oo. Kasalanan ko naman kung bakit nawala yung ‘tayo’.” Ginulo ko ang buhok niya at umalis na.

[Flashback]

Valentine’s Day. May naka-plano kaming kabadingan para sa mga babaeng gusto namin!

Nagsimula ng magkantahan yung mga tao sa classroom namin. Nauna si Warlock papunta kay Lerrica. Ako, pa-chillax chillax lang. Toblerone kasi ibibigay ko eh.

Habang papalapit na ako sa kanya, ayun. Nagkakantyawan na mga kaklase ko. Inaasar ako sa kanya. Inaasar siya saken. Kitang kita ko na masaya siya at nahihiya dahil sa mga tingin na nakukuha namin.

CHANGE: Ten Years AfterWhere stories live. Discover now