C2: News

1.5K 15 5
                                    

A/N: Meet Kirsten Bataller. (Refer to the gif on the right side) The Heir's Lee Bo-Na. ♥ 

____________________________________

June 25, 2025. 2:30 pm.

Kanina pa ako dito sa Starbucks. Kung tutuusin nga ang tagal ko na eh. Nagligpit pa kasi ako ng mga nagkalat na papel sa bahay. Ako na nga lang mag-isang nakatira doon eh. Tapos ang kalat ko pa. Pinabantayan ko pa yung bahay ko sa caretaker na kapitbahay ko. Uso kasi mga nakanawan sa area na tinutuluyan ko. Buti na lang mabait yung mga yon.

Ang tagal naman ni Jaeliana. Ano na kaya itsura no'n ngayon? Di ko akalain na late na siya nag-aarrive sa mga ganitong pagkikita. 

*Flashback*

January 29, 2014. 6:40 am.

"Shet. Ang aga ko naman pumasok. Nagmamadali na naman tong bwiset na kapatid ko e. Dapat naka-online pa ako ngayon hayyyy."

Nagmadali akong pumasok ng classroom. Sana may tao na.

"Shet Jaeliana. Ang aga mo naman pumasok." Sabi ko sa kanya na may paghabol pa ng hininga. Pano ba naman kasi, nakatayo siya tapos nakaharap sa board. Ang creepy kaya. Kinilabutan ako.

"Uy, Des. Ang aga mo naman." Binati niya ako na may ngiti. Halatang nagtataka siya kase ang aga ko. Kadalasan kasi ang oras nga pagpasok ko sa school mga 7:15 hanggang 7:30 na mismo ng klase. Nakakapagtaka talaga na may mga taong ganito ka-effort makita pagmumukha ng school namin. 

"Ah. Maaga kasi kapatid ko eh. May katagpuan ata."

Pumunta ako sa pwesto ng upuan ko hanggang sa unti-unting dumating ang 32 kong mga kaklase.

*Flashback Over*

.

.

.

.

"Uy Desssssssssss!"

Nagulantang ako. Biglang may humagod ng curls ng buhok ko. Tapos ang higpit ng yakap. Ang mature ng boses tapos may accent pa. Humarap ako. Long-haired siya. Naka-white coat. Halatang galing lang sa hospital. Wow, may oras pa pala siya mag FB ng ganung mga panahon e no? Shoulder-length ang buhok niya. Ang cute pa ng side bangs niya. Halatang lagi siyang nasa parlor. Big-time na siya ngayon ah.

"Jaeliana. Gahddd, I missed youuu!!! Kamusta ka na?! Shet umupo ka muna magkwentuhan tayo!"

Natapos din ang yakapan namin. Siguro mga sampung minuto kami nagpapatuyo ng luha dahil sa miss na namin isa't isa.

Nagorder kami. Nag-order siya ng Regular cup of coffee samantalang ako bumili lang ng Choco Macadamia Cookie nila. Hindi na rin kasi ako nagkakape. Ayoko ma-high blood eh.

"Grabe Des. Ang ganda mo na. Bagay sayo yung big curls ng buhok mo. Buti naman di mo na pinapaputulan buhok mo. Mukha kang aning dati eh. Ginugupitan mo buhok mo sa classroom kahit may discussion!" Sabi ni Jealiana habang tumatawa. Ganun pa din yung ngiti niya. Hanggang tenga eh no.

CHANGE: Ten Years AfterWhere stories live. Discover now