Mapapasa akin ka muli, Jethro—sa ayaw mo man o sa gusto mo.
Jethro's POV
Halos mag-iisang linggo na rin pala akong nandito. Pangatlong araw ko na ngayon dito pero wala pa rin pagbabago. Iwas pa rin siya sa akin gaya ng nakagawian niya. Kapag sasabay na akong kumain mapaumagahan, tanghalian man o hapunan, aalis na siya kaagad at sasabihin na busog na siya kahit na makikita mo yung kanin niya, tila hindi pa nagagalaw. Hindi niya rin ako pinahihintulutang masabayan siya sa pagpasok kahit na sinabi na ng mommy niya na isabay ako sa kotse nila o kaya naman pag maglalakad siya. Gusto ko sanang isumbong eh, kaso baka lalo lang ako mapag-initan.
Ang laki laki ng problema nung babae na yun sa akin. Kung galit man siya sa lalaki, bakit niya sa akin lang binubuhos? Kawawa naman ang magandang pagkatao ko, natatapakan—Kahit pogi, nasasaktan rin.
Maagang bumangon dahil may pasok na ulit. Damn it. Sana na-stuck nalang ang oras tuwing saturday at sunday para chill lang. Kailangan ko nang maligo para makapasok ng umaga. For 3 days, namarkahan na late na ako. Dahil nung last time, na-late ako ng kalahating oras sa first subject. Lagot na ako sa teacher ko neto pati sa nanay ko. Nakakahiya rin na makita ng magulang ni Krissanta na tamad ako mag-aral. Tamad nga pero medyo lang.
Paglabas ko ng kwarto ko, natanaw ko na agad na bukas na ang ilaw sa ibaba, nandun na ang mommy ni Krissanta na busy na naghahanda ng makakain namin ni Krissanta. Napakasipag na nanay, kahit na busy sa kompanya nila nagagawa pa rin na asikasuhin ang anak niya. Namiss ko tuloy si Mommy ganyan din siya tuwing umaga. Pero ibahin mo yun bago ka makakain, busog na busog ka na sa sermon. Pero mahal ko yun kahit ganun ang nanay ko.
Pumasok na ako sa banyo na katapat lang ng kwarto ni Krissanta na medyo katapat rin ng kwarto ko. Habang naliligo hindi maiwasang maisip yung test mamaya sa math. Medyo basic lang sa akin pero syempre, math yun—mahirap kalabanin ang mga numero.
Iniisip ko rin kung papaano na naman ako papasok mamaya. Pag naglakad ako late, pag nagcommute late pa rin. Bakit kasi ayaw nalang ako isabay netong Krissanta na 'to. Pasalamat siya maganda siya kundi nako—pinaresbak ko na yan sa mga tropa.
Matapos ang kalahating oras sa loob ng banyo, ngayon ko lang napansin na wala pala ang mga damit ko dito. Nakalimutan ko pala yung damit ko sa kwarto. Sa sobrang aantok antok pa ang diwa ko kanina, hindi ko pala nadala. SHIT.
Towel lang nandito. Nakakahiyang lumabas na topless dito. Buti kung bahay namin 'to, sanay sila kahit na nakaboxer lang ako. Kaya yung iba naming kasambahay pinagnanasaan na ako.
HAY BUHAY—Wala kong magagawa kundi lumabas ng banyo na nakatuwalya lang. Alangan naman na magtawag pa ako ng kukuha ng damit ko, mas lalo namang nakakahiya na mambulabog pa ako. Tuwalya lang ang magtatatakip sa katawan ko. Sa oras naman na ganito, tulog pa naman kadalasan ang tao.
Pinalibot ko na sa katawan ko ang tuwalya. Lumabas na rin ako ng pintuan para walang maabutang tao at sana rin hindi umakyat ang mommy ni Krissanta. Pagkakaalam ko rin tulog pa si Krissanta sa mga oras na ito. Malas. Nakakahiya. Pero—ba't ba ako mahihiya? Eh may abs naman akong maipagmamalaki?
Bakit ba pag alam kong malapit sa akin si Krissanta, nanghihina ako, parang bumababa ang tingin ko sa sarili ko?
Pagbukas ko ng pinto, sumilip silip pa ako na parang ninja. Sinisigurado lang kung may tao.
Papalabas na ako at gumalaw na ako sa pagkakatayo ko ng biglang may narinig akong umangat na pinto at ramdam ko na may parang nakatingin sa akin na galing sa tapat ko. Pinto iyon ng katabi ng kwarto ko - hindi tama ito.
YOU ARE READING
It Started With a Quiz
Teen FictionHindi mo talaga maiiwasan na may hindi ka kaiinisang tao sa buhay mo. Hindi mo man alam ang dahilan pero sadyang ayaw mo lang talaga sa tao na yun. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, na yung taong kinaiinisan mo, makakasalamuha't makakasama mo pa...
Chapter 8
Start from the beginning
