Beyond Insecurity

2.9K 67 12
                                    

𝒮𝓀𝓎𝓁𝒶𝓇 𝒱ℯ𝓇𝓂𝒾𝓁𝓁𝒾ℴ𝓃 𝒜𝓇𝒸ℯ𝓁𝓁𝒶 ℱℯ𝓇𝓃𝒶𝓃𝒹ℯ𝓏

"That's very nice, Sky," ngumiti si Kaye habang kinikilig.

We had our ladies' date, today. Nakasanayan na kasi naming magpipinsan (in-laws) na gumala rin paminsan-minsan. May mga araw naman wala kaming masyadong ginagawa at hindi masyadong busy.

Pinanganak, pinalaki at nabuhay akong puro lalake lang ang pinsan ko. They're fun to be with. Ang kaso, marami-rami rin ang pagkakataong minsan hindi na ako maka-relate sa kanila. They're boys and I'm a girl. Sometime, we have got varying perspectives.

Pero, ngayong halos lahat na kami ay mga kasal na, nakakita naman akong mga babaeng pinsan sa mga asawa nila.

I have to commend the boys for choosing very wisely. Some of them are wild, some of them are prissy. Overall, they're manageable and fun, though. Wala pa naman akong ka bad-blood sa kanila.

"Did Red felt jealousy, even once?" Tanong naman ni Jhoanne. "Kasi iyung kapatid niya parang bugok kung magselos eh."

Natawa ako sa sinabi ni Jho. Napatango-tango naman si Erina at Prissy.

"I agree, Jho," ani Erina. "Pinapasundan ba naman ako. He's arrogant but when it comes to my guy friend, he's very insecure."

"Cyan, too. Aanhin ko naman ang mga kaibigan at business partners ko? Itutulak palayo?" Dagdag naman ni Prissy.

Sabay-sabay napabuntong-hininga si Jho, Prissy at Erina.

"How about you, Kaye? We all know Rio's the very wild one," sabi ko.

"I got used to it, Sky," sagot ni Kaye. "Thankfully, hindi siya nanununtok. He just befriends my all of my guy friends, too."

"Keep your friends close, rivals closer?" Ani Aira.

"Ikaw, Aira?" Bumaling ang lahat ng tingin kay Aira na nagpapakain sa anak niyang si Coral.

"Being a public figure means, he has to force himself to control his temper," malumanay ang pagkakasabi ni Aira. "I'll know it when he gets a little bit clingy."

"Maybe, it runs in the blood?" Sabi naman ni Blanche, asawa ni Oliver.

My cousins are very territorial. I mean... halos bakuran na nga nila ako, noon. Paano pa kaya ang mga asawa na nila?

"So far, I never really had that experience with Red," sabi ko. "Before, he did some things to get close to me but he never really stopped me with anything that I wanted to do."

"Malapit ka sa mga kaibigan niyang mga lalake. Nagseselos ba siya?" Tanong ni Ara.

"Ara, please!" Napailing ako. "Halos kapatid na ang turingan namin nung mga kaibigan ko ever since college."

"Guy, business partners?"

"I keep my relationships formal," I said, cockily. Tama naman! Kaya walang dapat ipag-alala si Red.

Jealousy?

Hindi ko naman talaga alam kung maganda o mali ang bagay na iyon. Hindi naman magkalayo ang envy sa jealousy. They are synonymous but they are not exactly same.

Hay naku! Bakit ba hindi ako makatulog sa kakaisip niyan?

I shifted my position. I flipped to my other side. Saktong umikot ako sa kama nang hinalikan ako sa noon ni Jared.

Mas humigpit ang hawak niya sa aking baywang.

"Hindi ka pa tulog?" Tanong niya sa mamaos-maos na boses. Mas lalo akong napabaluktot. Kahit araw-araw kaming magkasama, parang hindi ako masasanay sa kanyang panlalambing. Parang hindi na matitigil ang puso ko sa kakatalon kapag ganito ang eksena!

ForbiddenWhere stories live. Discover now