Chapter 23

2.3K 50 2
                                    

Two months past and my schedule became more hectic. I have to finish a lot of paperwork, projects and reports.

At kahit mahirap ay ayos na ako doon. Atleast may rason ako upang umiwas kina Jared at ang team.

Mahirap silang tanggihan kapag nag-offer sila na ilibre ako o mag-request sila na bisitahin ko sila. Ito na nga

Saka, ayaw kong makita sina Adi at Czar. Ayaw ko ng gulo.

There has been always a silent war going on between us!

Higit doon ay ayaw ko lang talagang makita si Jared. I don't know. But, having his presence near to me makes me feel uncomfortable and awkward. Para bang naiilang ako sa kanya?

"Jared talked to me this morning. He said he wants you to watch the team play," Jho told me.

I just shrug still busy with my laptop. "He told me the other day actually, though I couldn't come. I still have a lot of things to be done."

"Ang sipag mag-aral. Akala mo nagmumokmok ayun pala naghahanap lang ng paraan para makaiwas kina Jared," mapanuyang isinambit ng babaeng kaharap ko.

"Ikaw na din ang nagsabi na hindi ako pwede magka-crush sa lalakeng iyon dahil magpinsan kami," sabi ko at napairap.

"Well, sa bagay. You're not related by blood naman eh so maybe pwede," aniya. "And I never told you to stay away from him."

Hayst! Ang tino ng babaeng ito, ano? Daig pa si Einstein sa katinuan!

Siya na nga nagsabi na hindi pwede. Para sa akin ang ibig sabihin kaya nito ay "Iwasan mo siya."

Pero speaking of Jhoanne, may another feeling na naman akong nararamdaman.

Huwag ka! Hindi ito 'my-developing-feelings' for Jho.

Iba ito. This feeling when you're scared and worried that you might not see her again.

"Jho, ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo ha?" Sabi ko.

Ngumiti lang siya. At alam na alam ko ang klase ng ngiting ipinapakita niya.

Her smile is that weak smile you wear when you want to assure someone yet you can't even assure yourself about it.

Iyun yun!

"Ipagpapatuloy ko talaga ang studies ko Sky," sabi niya.

Nginitian ko siya pabalik. Deep inside gusto kong umiyak sa harap niya dahil nararamdaman ko na baka next year hindi na kami magkita. OA na kung OA! Bahala kayo!

Pero ayaw kong ipakita sa kanya iyong nararamdaman ko sa kaloob-looban ko. There is no point of acting damn immature!
Minsan kailangan ko ring maging maunawain. She has her own problem to solve. Mas kailangan siya ng pamilya niya.

"Have you heard na may bagong gf na si Jared. Sayang nga eh!" Biglang may narinig akong boses ng babae. Boses pa lang halatang haliparut na iyung babae!

That have just disturbed my internal organs.

Nilingon ko agad ang babaeng nagsabi nun. May kausap siyang isang babae and I guess they're Sophomores. At siya iyung nakita ko last time na todo support kay Jared.

"Ewan ko sa'yo," sabi nung kasama niya. "Ang sungit naman nun! Bakit patay na patay ka sa lalakeng iyun?"

"Ewan ko sa'yo. Ikaw nga head over heels kay Conrad!"

"Atleast mabait siya."

"Playboy naman!"

Ang engot nilang dalawa! As in!

ForbiddenWhere stories live. Discover now