Chapter 19

2.4K 58 3
                                    

Walang masama kung gusto ko siya, di'ba?

We are cousins. Hindi naman siguro lalalim ito.

Hindi na rin ako masyadong lumalapit kina Jared sa school.

Ang oras na tinatambay ko lang sa court noon ay pinupunta ko na lang sa library.

Ay wow! Ang sipag kong mag-aral!

Hindi naman! Tinatambayan ko lang talaga ang library.

Minsan kasama ko si Jhoanne. Minsan hindi.

Magkaiba naman kasi kami ng vacant time.

Palabas na ako ng room at nag-text na rin ako sa driver ko para masundo na niya ako.

"Skylar." Bigla niyang hinawakan ang braso ko.

Liningon ko siya. "Why?"

"You seemed very distant to us," sabi niya. "May problema ka ba?"

I afford to smile despite of the queasiness I felt. "I'm just busy this past days. Alam mo naman, di'ba? College life is hectic."

"Well, iyun nga iyung sinabi ko kina Conrad at Riley," sabi niya. "But, they insist na tanungin kita. Baka daw may problema ka."

Hindi ko mapigilan ang pagngiwi.

Akala ko naman siya iyung concerned.

Sina Conrad pala at si Riley. Naging close kasi kami at magkakapatid lang iyung turingan namin. Conrad flirted with me before. However, that was nothing serious.

"Sabihin mong bukas bibisitahin ko sila," sabi ko pilit pa ring ngumingiti.

I'm pretending to be enthusiastic kahit wala ako sa mood.

Wow, Sky!

"Sige, kita-kits na lang bukas!" Sabi ko at umalis na.

"And, we miss your home-baked cookies!" Narinig kong sabi niya habang naglalakad na ako paalis. Napangiti na lang ako sa narinig ko.

Naglakad na ako papuntang carpark. Nasanay na kasi akong hinihintay ng driver sa carpark eh. Pero biglang tumawag si Manong.

"Hello, Manong?" Pagsagot ko sa aking cellphone.

"Hello, Sky."

Wala ng ma'am, señorita o kahit ano. Hindi kasi ako komportable kaya Sky lang.

"Bakit po, Manong?"

"Eh, nagpaalam kasi si Sir Krypton na siya na lang daw ang susundo sa inyo," sabi niya.

"Ha? Ganoon ba? Sige po. Hihintayin ko na lang siya dito," sabi ko.

Anong nakain ni Krypton at naisipan niyang sunduin ako?

Nakita ko agad ang kulay blue na Fortuner.

Napangiti ako at kumaway sa lalakeng nakahilig sa unahan ng sasakyan.

Ngumiti siya pabalik. "There you are!"

Sumakay kami sa kanyang sasakyan. Agad niya itong ini-start.

"Bakit ikaw ang sumundo sa akin?" Tanong ko.

He looked at me. "Well, ever since nang pumunta tayo sa hacienda at nag-anniversary ang AEC, hindi na tayo nagkikita."

"Right!" Ilang weeks na rin at hindi kami nagkakasama ni Krypton at ni EJ. Parati kasing kaming tatlo iyung nagsasama kapag weekends. Paminsan-minsan Zeus would tag along.

Kinurot niya ang magkabilang pisngi ko. "Na-miss ko ang cute kong pinsan."

Wala lang sa akin iyung sinabi niyang 'cute' ako. I wonder kung ano ang mararamdaman ko kung si Jared ang nagsabi nun?

Forbiddenजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें