Chapter 35

2.1K 40 6
                                    

As for Jared and I, we became close again.

Sabay kaming pumupunta at umuuwi sa school.

We just enjoy each other's company.

Pero minsan hindi talaga maiiwasan na maging awkward and uncomfortable kami sa isa't-isa.

"Libre mo?" Lumiwanag ang mga mata ko.

"Kailan ka ba nanlibre? Mayaman ka nga, ang kuripot mo naman!" Sabi sa akin ni Jared.

Napahagalpak ako ng tawa.

"Go na! Basta alam mo na order ko!" Sabi ko.

Tumayo na siya at pumunta sa counter para umorder.

"Minsan, Sky, napapasip ako. Ang hilig mong mangpikot ng tao," sabi ni Jho nang maka-alis na si Red.

"Sa'yo lang naman ako hindi nagpapalibre. Mas kuripot ka kasi," sabi ko.

Napahalukipkip si Jho at tinitigan ako. "You really like him, huh?"

Lumingon ako kay Jared na pumipila pa lang.

"Ang ganda ng ngiti mo kanina ha," she said. "Blooming ka pa. Sky, kung hindi ko lang kayo kilala baka naisip ko nang magkasintahan kayo. Nagiging third wheel na ako."

I smiled awkwardly.

"Maghanap ka na kasi ng boyfriend!" Tukso ko sa kanya.

"Hindi ko pa nga malutas-lutas ang problema ng pamilya ko, tapos pahahanapin mo ako ng isa pang problema. My life would be damn complicated!" Sabi niya.

Bitter sa lovelife si Jho, wala namang pinagdaanan. Pwera sa family problems...

Napairap ako sa kanya.

Agad akong nag-iba ng topic. "Buti, nagka-oras ka sa kaibigan mo."

"Sorry, kailangan ko rin kasing gawin ang obligasyon ko sa pamilya ko," sabi niya at napaiwas ng tingin.

"I know," sabi ko. "I will ask Papa kung pwede siyang tumulong sa inyo."

"No. Huwag na, Sky," sabi ko. "Baka sabihin niya ginagamit kita."

"Hindi, ano!" Sabi ko. "Hindi mo naman ako ginagamit."

Biglang nag-ring ang phone niya.

She took it out and read something on her phone.

"Sky, I have to go. Bye na lang," sabi niya.

Hindi man lang ako nakapag-bye sa kaniya.

"Heto na oh," sabi ni Jared nang inilatag ang order namin. Tatlong milk tea.

"Nasaan si Jho?" He asked.

"Iniwan tayo. May nag-text sa kanya tapos umalis na," sabi ko.

"Paano na itong inorder ko para sa kanya?" He said.

Ngumisi ako. "Akin na lang!"

Kinuha ko na ang dalawang milk tea.

"Takaw mo pagdating sa milk tea!" He commented.

Ngumuso ako sa kanya.

Napahalakhak lang siya.

"Kung hindi lang tayo nasa sitwasyong ito liligawan na talaga kita," aniya sa kawalan.

Umiba ang ekspresyon sa mukha ko.

Biglang hindi ako makahinga ng maayos.

"Sorry," he said and sipped his milk tea.

ForbiddenWhere stories live. Discover now