Chapter 43

1.7K 39 0
                                    

I actually did what my mother said. Hindi ako kumain. Nagpagutom talaga ako. Binibigyan na ako ng mga kasambahay ng pagkain ngunit tinatanggihan ko. Dalawang araw na akong hindi kumakain at pinalilipas ko lang ang kalam sa sikmura ko sa paglalaro ng video games, panonood ng tv sa kwarto ko, pagdadrawing at kung ano-ano pa.

Pang-apat na araw ay halos masuka na ako dahil hindi ako kumakain ay nagising na lang akong nasa loob ng puting kwarto.

"Kasalanan mo 'to eh. Kung hindi mo sana sinabi kina Tita sana hindi mao-ospital ang best friend ko!"

"Ako pa talaga ang may kasalanan? Ginawa ko lang ang tama, ano! I won't tolerate their relationship!"

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Czar at Jho na nagbabangayan.

Nang nakita ako ni Jho na nagising na ay lumapit siya sa akin.

"Sky naman! Sabi mo tutulungan mo ako tapos dumagdag ka sa pinag-aalala ko ngayon. Huwag mo naman akong pagkonsensyahin na hindi ako nakapunta sa debut mo."

Hindi siya nakapunta for some reasons pero naiintindihan ko naman eh.

"Okay lang iyun." My voice was weak.

Napatingin ako kay Czar na nasa isang sulok.

"Anong ginagawa mo rito?" I glared at him.

"Tita and Tito are working so they asked me to be the one to watch over you for the night," he said.

Napairap ako. Ang daming mauutusan bakit itong mokong pa?!

"Go home!" I said.

Tiningnan din siya ni Jho.

"Uhmm... I think lumabas ko na lang muna Czar."

"Better if he just goes home," I said.

"Sinong magbabantay sa'yo kapag umuwi siya?" Tanong ni Jho sa akin.

"Siya lang ba ang pinsan ko?"

"Some of our cousins are not available."

"Saan si Krypton?"

"Pinagtatrabaho sa hacienda at plantations nila along with Cyan."

"Rio or Lucas?"

"They are having their vacation in U.S."

"E.J.?"

"I don't know but he isn't available for now."

"Oliver?"

"Alam mo namang busy sila sa trabaho nila, di'ba?"

"Lyon or Zeus?"

"Nasa London."

"Jared."

"Hindi kayo pwedeng magkita."

Bumaling ako kay Jho.

"Ikaw na lang ang magbantay sa akin. Pambawi mo sa pang-iindian sa akin sa debut ko."

"Pero..." Napabuntong-hininga siya. "Tatawagan ko na lang si Mom na hindi ako makakauwi tonight."

"I love you so much, Jho!" I grinned at her and grimaced at Czar. "Umuwi ka na!"

Lumabas siya ng kwarto. "Whatever you say..."

Jho and I were both left in the room alone.

"Sky, ano ba kasi ang nangyari?" Malumanay na tanong ni Jhoanne.

Remembering those times made my eyes watery.

Sinabi ko sa kanya ang nangyari mula sa gabi na ng debut ko hanggang sa nahimatay ako dahil sa gutom.

ForbiddenWhere stories live. Discover now