Chapter 13

2.9K 62 0
                                    

"If I were on your shoes," Jared spoke. "I won't treat them like how you treat them."

"Why not, Red?" Napakunot ako ng aking noo.

"They just gave you away like that yet you still treat them like there's no big deal?"

Napabuntong-hininga ako. "Nagalit ako una. But, then, blood is thicker that water. Kapag kadugo, kadugo. Saka naiintindihan ko naman eh. They can't raise me."

"Ginawa-gawa ka nila tapos hindi ka nila kayang palakihin. What kind of parents are they?! What kind of parents would give their child away? Do they even care about you?" Lumakas ang boses niya. Bakit siya galit kina Mamang?! Wala naman siyang pakialam dito ah!

Biglang sumalta ang dugo ko.

"You don't know the whole story," ani ko. "My father was a seaman but he got into an accident and died. Apat kami. Surely, we can live. Pero dahil nagkasakit ako noon. Mas minabuti ni Mamang na ibigay nalang ako kay Caleon at Celyn Arcella, kay Mama at Papa. I've been confined in the hospital for seven months. Si Papang naman ay wala na para matustusan ang gastusin ko sa ospital. I am actually the reason kung bakit naubos ang mga naipon ni Papang. The house and this land are the only things that was left for them. Kung hindi sila pumayag na ampunin ako ni Mama, what will become of them? Anong matitira sa kanila? Pati ang lupain mawawala!"

"What? They're selfish! Hindi nila kayang magsakripisyo."

"They sacrificed!" I said, defending them. "Mas minabuti nilang malayo ako sa kanila kaysa sa maranasan ko ang dinaranas nila. Kung kasama nila ako, anong kakainin nina Mira, Yvonne at Leah? Lahat ng pera mapupunta sa mga gamot ko. At kung nasa tamang edad ako noon para makapag-isip ng solusyon, I will do the same thing. Magpapa-ampon na lang ako sa iba para mabawasan ang problema nila. Get it?"

Binuhat ko ang isang balde ng tubig at dinala pabalik sa bahay.

"Ako na ang magdadala," aniya sa mas kalmadong tono.

"I can do this," sagot ko at iniwan siya sa balon.

Bahala ka sa buhay mo!

Pagpasok ko sa kusina ay pinilit kong ngumiti sa kanila.

"Heto na po, Mang," ani ko sa kanila.

"Salamat, anak. Sandali, nasaan na ang pinsan mo?" Tanong niya.

"Sky!" Narinig kong sigaw ni Jared.

"Ayun po," turo ko sa lalakeng may dalang balde ng tubig.

"Naku, hindi na sana kayo nag-igib ng tubig," ani mamang.

"Kaya naman po namin eh," sabi ko.

"Ikaw siguro," any Yvonne. "Iyang pinsan mo, hindi. Alam mo namang anak mayaman talaga iyan."

"Kaya niya iyan," sabi ko.

"Nakakahiya, Sky," ani Mamang. Pinuntahan niya si Jared which leaves Yvonne and I alone.

"Ano pala ang kurso na kinuha niyo?" Tanong ko kay Yvonne.

Why do I feel uneasy around Yvonne?

"HRM kinuha ko," sagot niya. "Si Leah, second year na sa MassCom. Alam mo naman iyon, basta gusto, gagawin. Syempre, nag-apply siya ng scholarship sa isang university."

"Really?" Iyun lang ang nasabi ko. "Kamusta si Mira?"

"Nagpa-practice teaching siya at nag-tututor. Nagrereview rin siya para sa darating na licensure exam," pahayag niya.

"So gagraduate ka this year?"

"Malamang," aniya at napairap.

Napangiwi na lang ako sa sinabi niya. Why am I asking her the obvious once?

ForbiddenWhere stories live. Discover now