Chapter 24

2.2K 51 8
                                    

I'll never be beautiful.

Kanina pa ako nandito sa harapan ng salamin.

Nag-iisip lang naman kung paano ako gaganda!

Hindi sa nagyayabang ako pero marami ang nagsasabing maganda ako pero for me, I'm just ordinary looking. Iyung tipong hindi maganda, hindi pangit.

I braided my hair french style.

Parang hindi bagay. Nagmumukhang Elsa sa Frozen ako nito eh! Morena nga lang!

I do my hair in waterfall braid.

Nagmukha naman akong diwatang tanga!

I pulled back my hair into a ponytail.

This is so ordinary of me. Seryoso, this is my usual hairstyle. Ang if not, I would just let my hair down.

If I would let my hair down, I would look messy.

I have a lot of insecurities that I can never embrace, huh?

Bakit bigla ba akong na-conscious sa mukha ko. I honestly don't care about my face. It's just because of yesterday.

Nakaka-insecure kasi nung girlfriend ng gunggung na iyon eh!

Biglang may kumatok sa pinto. "Sky?"

Ang kasambahay pala.

"Bakit po?" Sigaw ko pabalik.

"Tinatanong ni Ma'am Celyn kung gusto niyo po raw bang sumama sa kanya?"

Napakunot ako ng noo. "Sasama saan?"

"Magsho-shopping daw siya at magpapa-salon," sabi ni manang.

"Opo. Mag-aayos lang po ako!" Sabi ko agad.

I take a one last look at myself. Okay na itong ponytail.

Kumuha ako ng damit sa wardrobe at agad na nagbihis.

Sasama ako kay Mama kahit nakayayamot sumama sa kanya kapag mamamasyal siya.

Paano ba kasi ang tagal mamili ng bibilhin kapag nasa boutiques at department stores kami!

Tapos sa parlor humigit tatlong oras mo siyang hihintayin.

Pero okay lang iyon kaysa sa magmukmok ako sa kwarto.

Sinusulit niya lang siguro iyon kasi minsan lang iyong mamasyal eh. Relaxation niya iyon dahil sobrang busy niya.

Isinuot ko ang black v-neck shirt, jean at black rubber shoes. With matching black bag.

Agad akong bumaba para sumama na kay mama pero laking gulat ko ng walang tao. Tanging ang kasambahay lang namin ang naroon.

"Manang, nasaan na si Mama?" Tanong ko. Iniwan na ako?!

Nang-aaya tapos mang-iiwan din pala!

"Ay, nasa taas pa po si Ma'am, nag-aayos," sabi ni manang.

Nakalimutan ko palang higit isang oras siya kung maghanda.

Tagal, 'no?

Ewan ko kung bakit nagustuhan pa ni Papa si Mama. Si Papa kasi gusto niya dapit mabilis ka kumilos!

I wonder nga kung naiinip siya maghintay kay Mama sa tuwing may lakad sila eh.

Napaupo ako sa sofa at nanood muna ng TV.

After how many hours nakababa na sa wakas si Mama.

"Let's go na, Sky," sabi niya lang sa akin at dumiretso sa labas.

ForbiddenWhere stories live. Discover now