Chapter 3

4.4K 82 1
                                    

"Wait, Jared girlfriend mo ba 'yan?" Tanong ng isang kasamahan niya. They grinned at us in a teasing manner.

I felt my cheeks burning. Ang tainga naman ni Jared ay namumula. Pinanood kong umigting ang kanyang panga.

This makes me more and more uncomfortable!

"I am not his girlfriend," sabi ko. "Damn, we're cousins."

"We are cousins so stop being malicious, Andrew," Jared added. "Saka may girlfriend na ako."

May girlfriend na pala siya?! Unbelievable! Sinong naglakas-loob ligawan –ah este– sagutin siya? Masungit kaya siya!

"Oh," sabi nung isa. "Akala namin nakipag-break ka na kay Ava."

So, Ava pala ang pangalan ng girlfriend niya?

"Ewan ko sa'yo Riley," sabi ni Jared.

"Nasaan si Czar?" Tanong ko sa kanila. Pag-iiba ko sa usapan.

"Nasa locker room," sagot ni Jared

"Oh, Sky! You're here." Narinig ko ang boses ni Czar mula sa malayo.

Sinalubong ko si Czar ng may ngiti.

"Softdrink?" Inabot ko sa kanya ang isa pang softdrink.

"Thanks," he smiled and patted my head.

Parang si Krypton siya kung makitungo sa akin.

"Thanks pala sa pagsauli ng phone," sabi ko.

"Wala iyun," sabi ni Czar.

"Burara mo kasi," sabi naman ni Jared na mukhang iritado sa presensya ko.

Sobra pa pala ito kay Sean kung magsinuplado!

Umirap ako. "I am not."

Ininum niya naman ang softdrink na ibinigay ko sa kanya.

I studied his features. He is so manly kahit sa paglagok lang ng iniinom niya.

He really resembles my Lolo noong binatilyo pa si Lolo...

"What are you staring at?" He asked.

"Your face," I answered bluntly.

"What about my face?"

"You look like the younger version of Lolo," sabi ko.

"Tch."

"Uhmmm... anyway, alis na ako. Kanina pa naghihintay ang sundo ko," paalam ko sa kanila.

"Sige. Kung may kailangan ka, you can ask me," Czar offered.

"Yeah, sure," I smiled.

"'Andyan na rin ang numbers namin sa phonebook mo," dagdag niya.

"Okay."

Naglakad na ako paalis at dumiretso na ako sa parking lot kung saan ang driver ko.

Kahit hanggang sa pag-uwi hindi ko pa rin makalimutan ang mukha ni Jared. He looks like a Greek god or something. He is attractive, honestly. Well, as attractive as my other cousins.

"How's your day?" Nakita ko si EJ na naka-de kwatro sa sofa namin.

"Eric John Imperial!" Sigaw ko at binatukan siya. Ngiting-ngiti ang ugok.

"Stop it, Sky," aniya.

Umupo ako sa tabi niya. I look at his uniform na may logo ng dati kong school. Kahit marami ang ayaw sa akin doon ay marami pa rin ang naging kaibigan ko doon especially ang katropa namin ni EJ. I miss them.

ForbiddenWhere stories live. Discover now