Chapter 25

2.3K 54 8
                                    

"It fits you perfectly, Sky," komplimento ni Jho.

Worth it rin pala ang pag-upo ko for almost seven hours para lang sa digital perm na 'to!

Nasa dulo lang ang large curls. I admit, bagay nga siya sa akin.

I walked with all confidence at ang ganda ng mood ko. Hindi ba gaganda ang mood mo kung puro compliments lang ang natatanggap mo?

Pero sadyang may mga bitter lang talaga na wagas kung makabasag trip!

"Newly-permed?" Nakataas ang kilay ni Ava sa akin. Si Mara lang at Ava ang nakita ko. Saan ang dalawa?

"Obviously," sabi ko at napairap.

She tilted her head. "Bagay sa kanya, Mara, di'ba?"

Napa-smirk si Mara at tinitigan ako. "I agree Ava. Mas nag-mukha siyang tagabukid!"

Tumawa silang dalawa sa harapan ko.

I maintained my composure.

"Maitim na nga, pinakulot pa ang buhok. Aeta lang ang PEG," mapanuyang sinabi ni Mara.

"Hindi ko alam trending pala ngayon maging Aeta," dagdag ni Ava.

Very funny! Ngiti lang, Sky, kahit ang sarap na sabunutan itong dalawang palakang ito!

I'm morena hindi maitim. Period.

Saka ang pagkakulot ng buhok ko ay maganda!

"Thank you for that compliment, guys," sabi ko. "Alam niyo dahil nakatanggap ako ng komplimento sa inyo, makakatanggap rin kayo sa akin."

Nakatingin sila sa akin na parang hindi na-gets ang sinabi ko.

"You know what? Ang puti mo, Mara!" Sabi ko kay Mara. "Aminin mo nga may dugo ka pa rin ba? Parang patay ka kasing wala ng dugo sa sobrang putla. O may balak ka maging zombie sa holloween? Pero di'ba October 30 pa iyon? Isn't it too early to prepare?"

Nanlaki ang mata ni Mara sa akin.

"At ikaw, Ava, you look like a doll. Ang perfect mong tingnan pero wala ka namang laman! Especially, iyang utak mo." Sabi ko kay Ava.

"That's not true!" Ava snapped.

"Really? Kung tunay kang may utak bakit ka pumapatol sa mas bata sa iyo? Cougar!" Sabi ko at tinalikuran sila.

I have thought a good idea. I mock them by mimicking the way they flip their hair and sashay in a bitchy way.

Mas magaling ako sa kanila mag hair flip at mag-sashay noh!

Tawagin niyo na akong feeling. Bahala kayo!

"Oh!" Biglang humarang ang grupo ng lalake sa harap ko.

Sina Clarke, Jonas, Conrad, Riley and Jared.

"Nagdidinalaga na siya," tukso ni Conrad.

"Dalaga naman talaga ako ah," I told them.

"Paano kasi may agam-agam si Conrad na magbibinata ka daw," sabi ni Jonas.

Napektusan ko na siya. "Hell to you, Conrad!"

"Bagay sa iyo, sis, ha," sabi ni Riley.

"Kailan ka naging bakla?" Pang-aasar ko kay Riley.

"Hindi ako bakla! Porket tinawag lang kitang ng ganoon bakla na agad ako," sabi ni Riley.

Marahan lang akong napatawa. Inakbayan niya ako at nagsalita. "What I mean is that you just look hot in that hairstyle!"

In the corner of my eye, I saw Jared glaring at me.

"Pinupormahan mo ba si Sky?" Tanong nina Clarke.

ForbiddenWhere stories live. Discover now