Chapter 6

3.6K 79 3
                                    

"Bakit mo sinampal si Adi?" Galit na hinarap ako ni Czar.

"Long story," matipid kong sagot. "Siya ang nauna."

"She said that drug addict kami," sabi ni Adi patuloy siya sa paghikbi.

Bwiset! Paawa effect?

"Totoo ba iyon, Sky?" Tanong ni Czar.

Nagtiim-bagang ako. "Mukha ngang totoong drug addict iyang girlfriend mo. Praning na eh!"

"I know you hate Adi. Pero sana hindi mo na siya sinampal!" Malakas na ang boses ni Czar. "Iyan ba ang natutunan mo kay Jhoanne?"

Napa-irap ako. "Jhoanne is not bitchy like what you think, Czar. Huwag mo nga siyang madamay-damay."

"Nagkamali akong hayaan kang makipagkaibigan sa kung sino lang eh," sabi ni Czar. "And I should've listened to Krypton and EJ's advise na huwag kang hayaan makipagkaibigan sa kung sino-sino lang. You're too young and you get easily influenced."

Ganyan na ba ang tingin niya sa'kin?!

"Ikaw ang madaling ma-impluwensyahan Czar," sagot ko. "Hindi ako hinahayaan ng mga pinsan kong makipagkaibigan sa kung sino-sino lang dahil sa personal na issue. Hindi dahil madali akong maimpluwensyahan. Jhoanne is not anybody, you see! She is my friend!"

"Befriending Jhoanne is not a smart act," sabi niya.

"Having that slut as your girlfriend is not a smart act either," I spat back.

"Bawiin mo iyang sinabi mo!" Sasabunutan na sana ako ni Adi at hindi agad iyun napigilan ni Czar.

Handa na ako sa mangyayaring sabunutan pero may biglang humila sa akin.

Now, he is in front of me and I didn't expect him to be the person who'll do this for me.

"Stop it, Adi," aniya.

Umikot siya para harapin ako.

"What's happening?" Narinig ko ang baritonong boses ni Jared.

"Kausapin mo 'yang kapatid mo!" Sagot ko.

I feel so upset. Irritated. Magkahalo-halo na. Pakiramdam ko sasabog na ako.

Nanlalabo na ang paningin ko. Nagbabadya ang luha kong tumulo.

I need to get out of here!

Agad akong naglakad palayo sa kanila.

Si Czar pa lang ang pinsan kong gumanun sa akin.

The only cousin who chose his slutty girl over his cousin.

Mas matimbang ang kadugo dapat.

Couz before sluts dapat!

Doon pa talaga siya sa babaeng iyon naniwala!

I lock myself inside a cubicle sa may toilet ng school.

I hated this feeling!

Iyung walang naniniwala sa'yo...

Iyung tama ka naman pero ikaw pa iyung mali.

Tumulo ng tumulo ang luha ko.

Kahit noon, hindi ko talaga kayang magpigil ng luha.

Napakagat ako ng labi ko at pinipigilan ang aking paghikbi.

I don't want anyone to see me crying and pity me.

At walang tagong lugar dito kaya sa C.R. na lang ako magtatago.

What a cliche thing, right?! Dito pa talaga sa banyo ha?

ForbiddenWhere stories live. Discover now