Kinuha ko 'yung chips saka siya inabutan ng tissue at sanitizer "Tama na 'yan. Magsisimula na tayo." Maya-maya hinatak ko na siya.

"Okay,verygood. Kung palagi tayong ganito. Matatapos tayo ng maaga." Iniwan ko na sila saka nagpunta sa dressing room para magpalit.

"You can do this!" Baliw na ako. Pati sarili ko,kinakausap ko na sa salamin.

Pinaliwanag sa'kin ni direk kung ano pa 'yung dapat gawin ko. Okay. Ganito kasi. Nakaupo ako sa sofa at hihintayin kung lumabas si Frost and tatakbo raw ako and ayun maghahalikan na. 'Yung scene kasi ngayon. Na miss ko raw 'yung boyfriend ko. Which is si Frost 'yun.

Holy cheez! Teka! Bakit ang hot ni Frost!? 'Yung pagbaba niya ng staircase. Damn! Bakit bukas 'yung 4 buttons ng polo niya,tapos messy pa 'yung style ng buhok niya. Ay bwisit! Bakit may ganitong creature. Gaadh!

OMG! Focus! Focus Zendrea!

"CUT!" Nagulat ako.

Patay! Nakalimutan kong tumakbo papunta sa kaniya. Damn!

"Zendrea! You forgot your lines and what you're going to do. Okay ulit."

"Sorry direk." Kasalanan niyo 'to e. Bakit ba kasi kailangang magbalandra ng ganiyan sa harap ko! Excuse me! Babae lang din ako! Tapos! 'Yung abs niya! Mygosh!

"Line 1,take 2!"

Ito na naman. Bwisit! Parang may kung ano sa tummy ko e. Ano ba! Okay,now do this Zen.

"Baby." sabi ko sabay todo smile pa sabay takbo pero....

Nakakahiya! Nasubsob ako sa dibdib niya dahil natakid ako! Oh my freaking gosh! Ang bango niya!

"Cut!" Lumayo ako kay Frost.

"H'wag pahalatang tsansing ka Zen." Bigla namang pumula 'yung pisngi ko saka ako tumalikod at bumalik na dun sa pwesto ko. Hinawakan ko 'yung dibdib ko. Mygadh! Lalabas na yata ang puso ko!

I need to act properly. Hindi ganito. Masiyado kaming matatagalan kung magkakamali pa ako. Act professional,Zendrea. I reminded myself.

"Okay. Line 1,take 3!"

Nagawa ko ng maayos hanggang sa pagyakap ko kay Frost. Pero ito na! Ito na 'yung kissing scene! Gosh!

Ang lapit ng mukha namin ni Frost sa isa't-isa. Ewan ko. Kinakabahan ako. For the first time!

When I feel his lips touch mine. I closed my eyes. Nagpadala na ako. Damn! He...he was a good kisser! Damn! Sinabit ko na 'yung braso ko sa batok niya. Naramdaman ko rin 'yung kamay niya sa baywang ko. Gosh! Ilang minuto na? H'wag niyong sabihing kailangang matagal 'to?

Lalayo na sana ako pero,mas lalo niya akong dinikit sa kaniya. OMG! Babae lang ako. And oh. Kasama sa script 'to. Pero hinihintay ko talagang sabihin ni direk e. Pero wala.

"Okay! Enough! Magaling Frost and Zendrea. Very good. You did it well." Dali-dali akong humiwalay saka humingi ng tubig.

Am I still breathing?

"Wow. Lahat kami napatulala sa inyong dalawa Zen. Nice. Ang ganda ng kissing scene niyo,parang bitin pa nga e." Sabi ni Jayden sabay tumawa.

"Agree." Sabat ni Rupert. Habang tumatango-tango.

"Gusto ko rin makipag kissing scene sa'yo Zendrea." Nakangusong sabi ni Aiden.

"Mga baliw!" Saka ko sila iniwan at nagpunta sa dressing room.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa DR. Umupo kaagad ako sabay napatingin sa salamin.

"Nababaliw na ako." Sabi ko sabay baba ng kamay ko. Bakit ko ba iniisip 'yung kiss? Shit! Ayoko na!

Maya-maya ginulo ko na 'yung buhok ko. Damn! Ang init ng labi niya. Tapos malambot. Urgh! The problem with me!? Mamaya. Sabihin niya,gustong-gusto ko naman! Hey! Hindi no.

E bakit ka defensive masiyado. Hell,I'm not!

Tinawag ko lang 'yung P.A ko saka nagpa-assist. Tapos lumabas narin ako.

"Manager,tapos na 'yung scene ko today right? Pwede na ba akong umuwi?" She shooked her head.

"Why?"

She tap my shoulder "Celebrate daw mamaya 'yung first taping niyo. Good idea naman diba? Don't worry. Wala kang sched for two days. You can rest tomorrow and the next day. Kaya bawal ang uwi-uwi ngayon. Maghintay ka nalang sa isang tabi dito sa set."

"Pero mana------ger" Great. Iniwanan na ako. Urgh! Ayoko na ngang makita 'yung mukha ni Frost! Ni BD guy! Naalala ko lang 'yung kissing scene namin!

In the end.Wala akong nagawa kung hindi maupo. Pero bigla kong naalala si Troy. Damn! Ang landi ko! May boyfriend ako pero iniisip ko 'yung kissing scene namin ng kapatid niya! Bwisit!

Pumunta ako sa parking space dala-dala 'yung susi ng van ko. Iniwan ko kasi 'yung phone ko rito e. Mas maigi yatang dito nalang ako tumambay. At least,walang pagmumukha ni BD guy akong makikita right? Ini-on ko 'yung aircon saka prenteng naupo.

I lift up my phone at oo. Kinausap ko 'yung phone ko na parang nababaliw na ako. "Bakit ba hindi man lang magmessage si Troy huh? Sagutin mo!" Pero tinigil ko rin 'yung kabaliwang ginagawa ko at tinawagan nalang siya.

"The subscriber you are calling is currently not available ple---" Pinatay ko na nung operator lang ang sumagot. I put back my phone inside my bag.

Anong gagawin ko para magbati kami? This is the worst fight we had. Ayoko na munang isipin. Tinanggal ko 'yung sapatos ko saka ini-angat and I hugged my knees.

"May I?" Biglang bumukas 'yung pinto ng van at biglang pumasok si Frost.

"As if I have a choice!" Sabi ko sabay inirapan siya.

"What can you say about our kissing scene a while ago?"

Tama bang itanong? Ano bang isasagot ko? Hindi ko rin alam. Dinedma ko nalang siya. Pero halos malaglag ang panga ko sa sunod niyang sinabi.

"You know what? I've enjoyed our kissing scene. I'm expecting more of that,soon. "

Goodness gracious. What the!

~

Dating Frost Fajardo | FinWhere stories live. Discover now