C49: Deception

5.1K 131 112
                                    


Sa bawat sandaling lumilipas ay unti unting humihina yung boses na iyon, napalitan ng ibang boses katulad ng unti unti ding paglabo ng mga imahe't eksenang iyon at pagpalit ng eksenang ito ngayon.

Ng marealize na wala ako sa classroom na iyon noong grade five ako't wala sya sa harap ko'y mabilis na pinunasan ko yung mga luha sa pisngi ko, saglit pang nakaramdam ng tila pagsikip ng dibdib sa katotohanang iyon, napasinghap.. nag iwas ng tingin ng makitang may dalawang pares ng mga matang nakatingin sa akin.

"May masakit ba sayo?" Si Nurse Lianne, may hawak hawak pa syang bulak na may dugo sa isang kamay nya.

Kung saan yun galing, yun ang hindi ko alam. Masyado iyong makulay at baka mamutla ako kapag sinabi nyang sakin iyon.

"Anong masakit?" Ulit nya, mas malakas ngayon. Akala siguro'y hindi ko sya nadinig noong una.

Iiling iling na bumaba ako sa kama, nakasayad na ngayon ang mga paa sa sahig. Saglit doong tumitig bago sya hinarap, binigyan ulit ng isang iling.

Dalawa yung masakit sa akin ngayon. Isang kaya nyang solusyunan at isang hindi, right now mas masakit yung hindi. Nakaramdam man ng kirot sa tiyan ng tuluyang tumayo mula sa kama.. mas masakit pa din yung kirot sa dibdib kong iyon.

Hindi na yata iyon kailanman mawawala.

Hahakbang na sana palabas ng kwartong ito ng pigilan ako ni Nurse Lianne, umiiling iling pa't nakapaningkit ang mga matang tinitigan ako pagkatapos. Kabisadong kabisado ko na iyon dahil lagi nya iyong ginagawa.

Sa humigit kumulang dalawangpung pagbisita ko kasi dito'y lagi ko ding gustong umalis agad. Kaya sa totoo lang, itong sitwasyon na ito'y nagmimistulan ng deja vu para sa akin. Paulit ulit na lang.

Hindi ko kasi kayang magtagal dito, yun ang totoo dahil kahit na tahimik at malamig sa lugar na ito.. dalawa sa tatlong bagay na gusto ko, hindi pa din maipagkakailang clinic ito. At ang clinic ay equivalent ng hospital sa libro ko. Pareho silang may mga alaalang ayokong makita.

"Mangako ka munang pupunta ka sa hospital. Kailangang tahiin yang pumutok mong kilay."

Natigilan ako sa narinig. Wala sa loob na napahawak sa kilay ko kung saan nakatuon ang tingin nya. Bakit ko naman yun kailangan ga-- d-damn. Napaigik pa sa gulat ng may masalat doon maging sa kirot na naramdaman matapos mahawakan iyon.

Mabilis na sumilip sa salaming nakadikit sa wall, gasa pala yung nahawakan ko't nakakapanlambot ng tuhod yung isang linya ng dugo na naka outline doon.

Paano?

Bakit?

Saglit na natigilan, gulo't lito ang isip, pamaya maya lang ay unti unti ng bumalik sa alaala ang mga naganap, nakapag provide ng isang sagot sa dalawang tanong na iyon.

Raeleigh.

"Kung kinakailangan mong mag stay doon.. ako na bahala sa mga teachers mo." Pagpapatuloy pa ni Nurse Lianne pero wala na sa kanya ang atensyon ko.

Parang biglang pinagsakluban ng langit at lupa, sumakit ang ulo't nanlulumong napatitig sa sahig.

Hindi ako pwedeng umuwi ng bahay sa lagay kong ito. Paniguradong kakatayin ako't gagawing fertilizer sa mga rose namin sa garden ni Aling Openg.. at mabait pa sya sa lagay na yun.

"Pati ikaw.. magandang dumeretso na kayo pareho sa hospital." Si Art ang tinutukoy nya. "First aid lang ang nagawa ko, mainam pa din kung matitignan iyan ng mga doctor."

Wala sa loob na tumango na lang ako na mukhang sineryoso nya, pinaniwalaan, binitawan na nya yung pagkakahawak nya sa kamay ko't dali dali kong tinungo yung kurtina na naghihiwalay sa mga bed at office ni Nurse Lianne at hinawi iyon.

A Thing Called KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon