C30: In Trouble

3.6K 127 3
                                    

Pagkapasok sa bahay, paakyat na sana sa taas ng harangin ako ng isa sa mga kasama namin sa bahay para sabihing pinapasabi daw ni Aling Openg na bumaba daw ako mamayang alas otso sa kusina.

Tinitigan ko lang sya at ng tapos na syang magsalita'y nagtuloy tuloy na ako sa taas, pumasok agad ng kwarto ko, nagpalit ng damit at humiga sa kama pagkatapos. Makakaidlip na sana ng makarinig ng sunod sunod na katok sa pinto ng kwarto ko't ilang sandali pa't bumukas din iyon.

"Ma'am? Baba na daw po kayo sa kusina. Kakain na daw po kayo."

Napabuntong hininga na lang ako, saglit na tumitig lang sa kisame bago napipilitang bumaba sa kusina. Naabutan kong nagkakagulo sila doon. Naghahain si Aling Openg ng pagkain sa lamesa habang busy naman sila Lisa at Elena sa laptop.

Anong nangyayari?

Nang makita ako ni Lisa'y iginiya nya agad akong maupo sa upuan. Hinayaan ko na lang sya kahit kaya ko naman yung gawin ng mag isa, pag angat ng mukha ko'y nakaharap na sa akin ang laptop at muntik pa akong mabilaukan sa sariling laway ng makita doon sila Mommy at Daddy.

Nagising ang natutulog kong diwa't daig ko pa ang nabuhusan ng malamig na tubig.

Magkatabi silang kumakain.. at ng makita ako ni Mom ay binigyan nya agad ako ng isang ngiti.

"Hi.. good evening, baby."

Sa halip na mag good evening din dito'y nag good morning ako sa kanila.

Alam kong alas siyete ng umaga ang oras sa kanila ngayong alas otso ng gabi dito sa Pilipinas. Patunay doon yung nasa itaas na sulok na bahagi ng laptop, yun yung nakukuhan ng camera dito sa akin, madilim doon samantalang maliwanag naman yung kabuuan ng laptop, yun naman yung nakukuhan ng camera nila Mommy.

"Para saan.. ito?" Tukoy ko sa laptop sa harap ko. Am I in trouble?

"Well, gusto ka lang naming makasabay kumain.. at para masiguro na nakakakain ka ng maayos." Si Mom.

So I am in trouble..

Aling Openg. Yun agad ang pumasok sa isip ko. Nagsumbong siguro ito na lately ay madalang lang akong kumain, pagkagaling sa school ay dumederetso na agad ako sa kwarto para matulog.

Masyado lang kasing madaming nangyayari lately, mga bagay na nagiging sanhi para mahirapan akong makatulog, then pagdating sa school napapagod naman ang utak ko sa pagre-review, medyo nalilito na nga ang katawan ko kung anong susundin. Matutulog ba dahil sa pagod o magpupuyat kaka isip sa mga problema ko.

Sumubo ako ng nakalagay sa plate ko't tinignan sila habang ngumunguya. They're eating breakfast while I'm eating dinner. Sabay kaming kumakain pero parang hindi.

"What's seems to be the problem?" Si Dad. "Hindi mo ba gusto yung mga luto ni Nay Openg? What do you prefer? Are you a vegetarian? You can always ask Nay Openg to cook what you want to eat. We're seriously starting to worry about your health, Eve."

"Wala naman po akong nararamdamang masakit sa katawan ko."

"Wag mong hintaying magkaroon." Seryosong sabi nito, bigla tuloy akong napatango ng wala sa loob ko. "Maybe it's time to consult a nutritionist." Dagdag na suggestion pa ni Dad.

Nilingon nya si Mom na tumango tango naman sa sinabi nya't pagkatapos uminom ng tubig at magpunas ng napkin sa bibig ay itinuon sa akin ang atensyon.

"May ini-refer sa akin ang friend ko na nutritionist dyan sa Philippines, nasa Brunei iyon ngayon pero nakausap ko na sya the other day."

Napatitig lang ako kay Mom. Mas malala pa sya kay Dad. Kung si Dad, idea lang, sya may nakausap na. What the? Akala ko nagbibiro lang sya dati tungkol doon.. yes, medyo hindi nga ako malaman pero hindi pa naman ako 'ganoon' kalala para kumausap na sila ng nutritionist.

A Thing Called KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon