C47: Letting Go

4K 160 84
                                    

"Anong ibig sabihin ng mga iyan Eve?"

Iiling iling na sinarado ko yung dalawang lap top ko bago kinuha yung remote at pinatay yung TV. Ilang ulit nagpapalit palit ang tingin sa kanya at sa pinto ng kwarto ko pagkatapos.

"Bakit ka ba andito? Bigla bigla ka na lang pumasok."

Pero nakapirmis pa din ang paningin nya sa lap top ko't TV. Papalit palit sa dalawang iyon ang paningin nya kaya napagpasyahan kong i-lock na ang pinto ng kwarto ko kahit andito pa sya. Tutal kailangan din naman talaga naming mag usap.. mukhang nadagdagan nga lang yung original na agenda dapat namin. At mukhang may 'batang' mapapagalitan.

Pagkatapos paningkitan ang mga laptop ko't TV ay hindi makapaniwalang hinarap na nya ako. Tila ba ngayon lang nag sink in sa kanya na ako nga pala si It's Called Karma or ICK for short.. yung hacker na tinatawag nyang SIZ.

Bumukas ang bibig nya tapos sumara ulit bago napailing iling.

"Eve may usapan tayo." Paninita nya.

Napalunok ako at para itago iyon ay yumuko ako.

"Alam ko. Kung hindi mo sana kasi ako pinauwi agad at binabaan ng tawag di sana'y hindi ko na kailangan tignan pa yung CCTV ng school." Pagpapaliwanag ko agad though medyo defensive ang tunog nun maging sa akin. I just can't help it, the girl has questions and no one is answering. Mababaliw ako dito kung hihintayin ko pa silang magkusang sumagot dahil mukhang wala naman silang planong sumagot sa mga tanong ko.

Nagsalubong ang kilay nya.

"Ginawa ko yun para maiwasan mong makita kung anong nangyayari sa school kanina."

Nagsalubong din ang kilay ko. May 'are you serious?' na ekspresyon sa mukha ko. Nagpapatawa ba sya?

"Sana'y sinabi mo agad hindi yung binabaan mo ako ng tawag. Dahil sa ginawa mo'y mas lalo ko pa tuloy nagawa yung ayaw mong gawin ko." Paninita ko na pabalik sa kanya.

"Ayokong may mga tanong sa utak ko. Hindi ako mapakali kapag ganun." Dagdag ko pa.

Tumango sya bago napabuntong hininga. Halatang hindi bukal sa kalooban nya yung pagtango nyang iyon. Wala na din naman kasi syang magagawa kahit gustuhin man nya. Nangyari na eh.

Buntong hininga na lang para sa mga bagay na nangyari na.

"Last na yan Eve. Kung ano man yang ginagawa mo sa mga gadgets mo'y itigil mo na. No more hacking around."

Paulit ulit na um-echo sa isip ko yung huling sentence na sinabi nya. Laging mas masakit yung huli kaysa sa una. Patong patong kung saan nakakalula na't pagpikit na lang ang nagawa ko para pakalmahin yung sarili ko't patigilin yung tila nagwawalang bagay na yun sa dibdib ko.

Kung ano mang gusto nung gawin ko'y hindi malinaw sa akin. Sanay na ako doon. Sa edad kong ito'y nangangapa pa din ako pagdating sa mga emosyon, sa akin man iyon o hindi.

Napatitig ako sa digital clock na nakapatong sa bedside table ko.
Medyo frustrated na ngayon.. kung bakit o kung kanino'y hindi ko alam.

6:39 PM

Sinamaan ko ng tingin yung walang kamalay malay na bagay na iyon.

Dahil andito si Kuya't si Lanie ay paniguradong ilang sandali na lang at may kakatok na naman sa pinto ng kwarto ko. This time hindi iyon magdederetso ng pasok. Sasabihin lang na bumaba na kami dahil nakahanda na yung dinner.

Tss.

Duda nga lang ako kung makakain pa ako sa lagay kong ito.

Ito naman talaga ang solusyon pero bakit pakiramdam ko'y isa itong malaking problema? Mas malala't malaki kaysa sa mga naunang nasolved na problema.

A Thing Called KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon