C20: Why?

4.7K 151 32
                                    

Dahil TTH ang schedule ko this week ng love letter at hindi naman ako nakapasok kahapon, ngayong wednesday ko inihulog yung love letter sa locker ni Maricar na para sana kahapon. Natutuwa sa idea na pwedeng sa friday ko na lang ihulog yung isang love letter pa since hindi ko pa naman iyon tapos gawin.

Inayos ko muna yung trace na nanggaling ako sa locker ng mga second year bago nagtuloy tuloy ng classroom namin. Saglit na natigilan ng mapansing nag iisa na naman si Marybeth doon. Maaga talaga sya lagi pumasok. Niloloko nga sya nila Samuel na sya daw yung tiga bukas ng gate ng West High.

"H-hi." Yan ang normal na bati nya sa akin. Laging parang gulat na ewan. Tumango ako sa kanya't nagtuloy tuloy na sa likod na upuan ko.

"Eve?"

Nakasandal sa upuan na nilingon ko sya. Paniguradong makakarinig na naman ng tanong sa kanya.

Alam ko naman na hindi sya katulad ng mga classmates namin. Yung mga tanong nya'y usually naka focus sa akin, at makikitang wala syang hidden agenda doon. Harmless yung mga iyon, genuine questions.. pero hindi ibig sabihin nun ay ok na iyon sa akin.

Ayokong ayokong tinatanong ako dahil ayokong ayokong sumasagot. Hindi naman kasi natatapos ang mga tanong. Kapag sinagot mo iyon, may itatanong ulit sila na galing sa sagot mo na sasagutin mo ulit tapos may makikita na naman silang tanong sa sagot mo. Wala iyong katapusan at ayoko nun. Ayokong ayokong nagsasalita.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?"

Saglit akong napapikit bago nangalumbaba sa table ko. Kami lang naman ang tao dito't hindi naman mapanganib yung tanong nya kaya napagpasyahan kong sagutin iyon.

"Ok na."

"Completely?"

"Absolutely."

Napangiti sya't tila excited na hinarap ako. Umikot sya sa pagkakaupo nya't ipinatong sa ibabaw ng sandalan ng upuan nya yung kamay nya't tulad ko'y nangalumbaba din doon.

"Glad to know that. Wala ka na bang gamot na kailangang inumin? Pagkain na kailangang kainin? Fruits? Anything?"

Umiling iling ako sa kanya't tuluyan ng pumikit. Bahagya pang inaantok.. pamaya maya pa'y paniguradong hindi na magkakaroon ng kapayapaan pa kaya tuluyan na akong dumukdok sa desk ko't nagpatangay sa antok ko at tulad nga ng inaasahan.. Nang magsimulang magsidatingan yung mga classmates ko'y nagsimula ding umingay ang paligid.

Mula first period hanggang fourth period ay nasa pagitan ng gising at tulog ang estado ng utak ko. Half awake. Half asleep. Kapag nakikita si Philip, aminadong binabangungot.

"Ok ka na ba talaga?" Tanong ni Ma'am Pascual sa akin pagkatapos ng klase namin sa kanya. Kanina pa nagsilabasan ang mga classmates ko't pinaiwan na naman nya ako para makausap.

Napansin siguro nya yung pipikit pikit kong mga mata kanina. I can't help it, binangungot ako kagabi't mas ok pa sana kung si Philip na lang iyon pero hindi. Sa panaginip ko'y nasa loob ako ng isang maze at may malaking strawberry ang gumugulong, hinahabol ako't kahit anong gawin ko'y may lumilitaw ulit na bago kapag nailigaw ko na yung isa. Hindi sila nauubos. Nagising akong pawis na pawis at naghahabol ng hininga. Tuluyan ng sinumpa ang mga strawberry sa mundo.

Tumango ako kay Ma'am. Ok naman na ako. Puyat lang.

Nagbuntong hininga ito.

"Kaya mo bang umattend ng review mamaya?"

Tumango ulit ako.

"Sure ka? Baka mabinat ka?"

Tinitigan ko lang si Ma'am. Ang dami nyang tanong. Andito na nga ako, kausap sya. Hindi pa ba sapat iyon para masabing ok na ako? Kailangan ko pa bang mag tumbling sa harap nya?

A Thing Called KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon