C22: Breaking Walls

3.9K 151 11
                                    

Yung amoy na iyon.

Hindi man alam kung saan ang kanan at kaliwa o kung anong kulay yung blue at red, hindi mapapagkaila't sigurado ako sa amoy na iyon.

Hospital.

I'm in the hospital right now.

Pinilit ko ang sarili kong bumangon, bandang huli'y nag settle na lang sa kamay. Naiangat ko iyon at pamaya maya'y may presensya na sa tabi ko. May humahaplos na sa pisngi ko't braso.

"A-ay-yyok-ko d-dit-to."

Napahikbi hikbing hinalikan ako nun sa noo ko.

"Eve. Andito si Mommy. Andito si Mommy.. shhh you're alright.. you'll be alright. Russel call the doctor."

'Mom?'

"On the way na Mom.."

'Kuya?'

Bumukas yung pinto at may mga taong dumating. Hindi ko nakita. Narinig ko lang, hindi ko kasi maidilat yung mga mata ko. Ilang segundo lang ang lumipas at tinangay na naman ako sa kawalan.

---

Dinilat ko yung mga mata ko't nakahinga ng maluwag ng nasa kwarto na ako sa pagkakataong ito. Dito sa bahay. Bumangon ako't napangiwi sa sakit na naramdaman sa ulo ko, hahawakan sana iyon ng kaliwang kamay ko ng mapansin na may nakatusok pala sa kamay kong iyon. I swear hindi iyon masakit kanina pero ng makita ko iyon, bigla na lamang iyon sumakit. Fucking shit.

Sinundan ko ng tingin yung puting tube na nakaconnect sa needle na iyon at ngayon ay nakatingala na sa clear plastic na white. May tubig iyong laman na pumapatak.

Dahil masakit na nga ngayon yung kaliwang kamay ko, yung kanan ang ginamit kong pangsalat sa ulo ko't napangiwi ng may makapang benda doon.

Alam ko pa naman ang pangalan ko so that's a good thing.

Bumalik ako sa pagkakahiga't tumingin sa kisame pero biglang sumakit yung ulo ko kaya pumikit ako para sana matulog kaso bumukas yung pinto. Didilat sana ako pero ng marinig ko yung boses ni Mom ay di ko na tinuloy.

"Eve.."

Madami akong dahilan.

Una. Nahihiya ako.

Bakit?

Kasi andito sya dahil lang sa nangyari sa akin. Alam ko namang madami silang ginagawa't busy sila ni Dad sa States at alam kong may epekto sa mga business namin doon na andito sya ngayon. Hindi ko lang alam kung andito din si Dad. Gusto ko naman na andito silang dalawa, gustong gusto talaga pero ayokong ako yung maging dahilan.. ayokong maging hadlang sa mga plano nila sa buhay.

Pangalawa. Ayokong matanong.

Bakit ulit?

Anong sasabihin ko? 'What happened Eve?' Yan. Yan yung isa sa tanong na ayokong sagutin at sigurado ako na yun yung tanong na itatanong nya kasi yun lang naman ang tanong na mahalaga diba? At kapag ikinuwento ko yung nangyari'y magtatanong ulit sya ng 'Why did you do that?'. na sa totoo lang ay ayokong itanong nya dahil hindi ko alam yung sagot doon.

At ayokong hindi makasagot sa mga tanong nila. Kasama sa listahan ng mga bagay na ikinakatakot ko sa buhay ay ang madisappoint silang dalawa ni Dad sa akin.

Pangatlo. Gusto kong malaman kung anong gagawin ni Mom dito sa kwarto ko.

Oo may benda ako sa ulo pero ok naman na ako so bakit andito pa sya sa Pilipinas? At bakit nya pa ako pinuntahan ngayon sa room ko kung may doctor naman na titingin sa kondisyon ko? I wanna know. At may duda ako na hindi ko malalaman yung sagot kung didilat ako.

A Thing Called KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon