C13: Captivated

4.5K 155 31
                                    

Linggo ngayon at nag re-review lang ako habang nakatingin dito sa laptop ko. Kanina ko pa naipasok sa garahe yung bike kaya wala na akong problema. Maaga ding umalis si Kuya at sa Friday na ulit ang balik nya kaya wala na talaga akong problema. Masasabi kong maayos ang lahat.. sana lang hanggang mamaya'y masabi ko pa din iyon.

Habang nagbubuklat ng libro'y hindi ko mapigilan ang sarili kong sumulyap sulyap sa laptop ko.

Natutuwa ako dahil selfie ng selfie si Maricar.. hindi ako natutuwa sa mukha nya, para malinaw lang. Yung fact na nagkakaroon ako ng copy ng mga pictures nya ang nakakatuwa at yung nalalapit na pagtatapos ng misyon na ito. Umay na umay na kasi ako sa pagmumukha nya't gustong gusto ko ng tatakan ng 'mission accomplished' yung noo nya.

Lahat ng pictures nya'y andito na sa laptop ko ngayon. Ayos din iyon dahil halos buong bahay nya'y nakuhanan na nya ng litrato pati nanay nya, tatay nya at kapatid nya. Pati nga mga kamag anak nya eh.

Secured na yung evidence ko pero ok lang sa akin na madagdagan yun since ok na ok naman sa kanyang dagdagan iyon. She wants people's attention? Fine. I'll put her in the center.

Ginagamit ngayon ni Maricar yung cellphone at kausap yung pinsan nya. Hindi nya alam na naririnig ko yung pinag uusapan nila't na re-record ko pa. Though karamihan sa mga iyon ay useless, ok na din.

"I don't know ba kung sino. Baka admirer ko o alam mo na.. fans, tagahanga. I have a lot of that.. kaya ayun."

"Ang ganda kasi insan eh. Parang mamahalin."

Napangisi na lang ako sa sinabi ng pinsan nya sa kanya. Hindi nito pinansin yung hindi naman talaga nag e-exist na 'admirer' 'fans' at 'tagahanga' na sinabi nya at nasa cellphone lang na iyon yung atensyon.

Maganda naman si Maricar eh.. paniguradong mananalong miss universe kung ipinanganak sya ng taong 1920's.

Kung normal na estudyante lang sya, yung hindi ganitong alien, posibleng magkaroon sya ng mga admirer, fans at tagahanga pero dahil alien nga sya, masyadong madaming tao ang hindi natutuwa sa kanya't kung tutuusin, sa sobrang dami nila pwede na silang mag petition sa NASA na ipatapon sa outer space yung alien na ito.

Kung minalas malas sya'y burog burog na ngayon ang mukha nya. Pasalamat sya't mga weak yung mga napagtri-tripan nya.. tss, kung si Philip ang ginawan nya ng issue, malamang sa malamang sinuntok na sya nun agad, kinaladkad sa hallway at isinabit sa flag pole namin.. at mabait pa si Philip sa lagay na yun.

"This is expensive talaga. Nakita mo na ba yung camera? It's so linaw kaya. Want to selfie selfie?"

Nakangiwing tinignan ko yung laptop ko. Oo gusto ko ng mga picture nya para sa gagawin kong video, ang lagay lang kasi'y more than 1k na yung photos nya't hindi naman iyon magagamit lahat. Daig ko pa ang lulusong sa dagat - dagatang basura mamaya tss.

Click

Click

Click

"Pouty face!"

Click

Click

Click

Tss.

"Parang model.. dapat hindi naka smile tapos naka open mouth."

Click

"Ay you're doing it not right. Para namang papasukan ng langaw dapat ganito lang, parang yummy diba?"

Click

Umay na umay na binalik ko na lang ang atensyon ko sa nire-review ko. Di hamak na mas may sense ito. Mas may sense at hindi masakit sa mata.

A Thing Called KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon