C34: Grim Reaper

3.3K 140 11
                                    

Ilang segundo ang lumipas simula ng tumalikod sa akin si Katerine. Payapa na ang paligid hanggang sa biglang hindi na naman dahil sa pangalawang pagkakataon ay nakarinig na naman ako ng mga kaluskos.. at malakas ang kutob kong hindi na iyon si Katerine sa pagkakataong ito.

Magulo yung paghawi ng mga sangang nakaharang ng taong iyon. Siguro kasi'y hindi naman nya talaga alam kung saan ang tamang daan. Mabigat din ang mga yabag ng paa nya't mabilis ang mga kilos na tila may hinahabol.. o hinahanap.

Hinablot ko ulit yung bag ko't nagtago sa likod ng puno, bahagyang salubong ang kilay na nakikiramdam.

Napapikit na lang ako ng mariin ng maramdaman ang paglapit ng kaluskos hanggang sa makarinig na ng tila hinihingal na paghinga, lima o anim na dipa mula sa pwesto ko.

Nanatili ako sa ayos ko, may limang segundo ding nanatili yung kung sino man na iyon sa pwesto nya hanggang sa maramdaman ko na lang ang paglalakad ulit nya. Akala ko'y sa pwesto ko sya lalapit pero dumeretso sya papasok sa liblib ng magubat na part na ito ng school at kahit halos likod na lang nya ang nakita ko'y hindi ako nagkakamali na si Philip iyon.

Sigurado din ako na ako yung hinahanap nya tulad ng babala ni Katerine sa akin kanina. Hindi ko nga lang kayang pasalamatan si Katerine, hindi lang dahil sa hindi ko ugaling magpasalamat sa mga tao talaga kung hindi dahil sa ginawa nya mismong pagpunta dito sa breathing spot ko kanina.

Wala sana si Philip dito ngayon kung hindi nya ako pinuntahan kanina dahil napaka imposibleng malaman ni Philip ang lugar na ito. Nakadagdag din sa hinala kong nasundan sya ni Philip dahil sa pagmamasid nito sa paligid na para bang sigurado sya na andito lang yung hinahanap nya.

Nang matansyang malayo layo na si Philip at hindi na nya ako makikita o maririnig ay syaka naman ako nagsimulang humakbang palabas, sa kabilang direksyon ng pinupuntahan nya ngayon, bahagyang salubong ang kilay.

Masasabi ko pa ba ngayong dalawa lang kaming nakakaalam ng breathing spot ko? Dahil hindi man ako nakita doon ni Philip, nakita na nya yung lugar na iyon. Paano kung bigla syang magdesisyon na doon na din tumambay o magtago pag wala syang mood pumasok sa klase?

Matuturing ko pa bang akin yung pwesto na iyon ngayon?

Hindi ko gusto yung mga tanong na iyon. The fact that I'm asking is proof enough that I'm not sure anymore. At ayoko sa mga bagay na hindi ako sigurado.

Paano pa ako mapapanatag sa lugar na iyon kung may pangamba akong baka bigla na lang sumulpot doon si Philip?

Napaihip na lang ako sa hangin, pinipigilan ang sarili sa mga bugso ng damdamin. Hindi naman ako kahit kailangan naging magaling sa pagha-handle ng mga iyon.. at ebidensya doon yung nangyari kanina sa classroom.. at yung problema ko ngayon.

Hinahanap ako ni Philip at sigurado akong hindi para kamustahin kundi para singilin sa nangyari kanina sa classroom.. at hindi ko pa sya kayang bayaran ngayon.

Hindi ako pwedeng masugatan o magkapasa dahil bukas na yung friendly meet. Naka record ang mga iyon. Naka video at may chance na mapanuod ng mga tao sa bahay at makarating kila Mommy.

I can't take that risk kaya't pagkarating na pagkarating sa school ground ay mabilis na tinungo yung daan papuntang roof top a.k.a. ang tanging lugar na hindi pupuntahan ni Philip. Takot kasi ito sa mga matataas na lugar, isa na yata iyon sa biggest secret nya.

Nakikita ko na yung building na iyon ng mga fourth year ng may humawak sa braso ko't nagtakip ng kamay sa bibig ko't sapat ng basehan yung mabahong amoy ng cologne nya para mapangalanan ko sya.

Hinila nya ako sa kung saang lugar, hindi ko alam kung saan dahil patalikod nya akong hinila't halos kaladkadin na. Pagkapasok na pagkapasok doo'y nagkaroon agad ako ng idea kung saan nya ako dinala.

A Thing Called KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon