C14: Those who can't be fathom

4.5K 162 14
                                    

Natigilan silang lahat ng pumasok ako sa loob ng guard house. Nasamid pa sa iniinom nyang kape si Kuya Elmer, dali daling tumalikod ito sa amin, paulit ulit sinasabing 'ang init, ang init.'

kasalukuyan kasi silang nag bre-breakfast ngayon.. at kasalukuyan naman akong wanted sa breakfast kay Aling Openg na paniguradong hinahantay na ako sa kitchen.

Mabilis at alertong tumayo si Kuya Esteban sa upuan nya. "M-ma'am? Ang, ang aga nyo naman po hehe." Binitawan yung pandesal na hawak nito't pinunasan yung bibig nya gamit yung likod ng palad nya. "Alis na po ba tayo agad?"

Tumango lang ako sa kanya bilang sagot.

Dali-daling inabot nito yung polo nyang nakapatong sa upuan nya't isinuot iyon, binubutones habang lumalabas kami ng guard house.

Pinagbuksan pa ako nito ng pinto pagkarating sa kotse.

"Nag breakfast na po ba kayo?" Nag se-seatbelt na tanong nito.

Nilagay ko yung hintuturo ko sa labi ko na naging sanhi ng pag iling iling nya sakin. "Patay na naman po ako kay Ofelia nito." Napangisi na lang ako bago sumandal sa upuan at pumikit.

Pagkarating sa loading and unloading station namin ay pinasadahan ko muna ng tingin ang paligid bago tuluyang bumaba.

Halos wala pang alas siyete at mangilan ngilan pa lang ang tao sa loob ng school. Hindi ko alam kung masisipag at huwarang estudyante lang talaga yung mga iyon o tulad ko'y may binabalak ding gawin na kalokohan. Ano man ang sagot, wala akong pakialam.

Nagtuloy tuloy ako sa locker room ng mga second year, saglit na huminto't kinuha yung tablet ko sa bag ko at ng masiguradong walang tao sa loob ng locker room ay dali-daling pumasok na ako doon at hinanap yung locker ni Maricar. 2153.

Kinuha ko yung love letter sa bag ko na puro kakornihan at kabaduyan lang naman ang laman. Gusto ba talaga ng mga girls ng ganito?

Ako kasi hindi.

Salubong ang kilay na tinitigan ko yung mga puso puso doon na pinaghirapan kong gupitin kahapon. Dahil sa wala naman akong hilig sa art, hindi ako marunong gumipit ng mga puso kaya nag print muna ako't syaka sinundan yung outline ng mga iyon. Ganun ang ginawa ko kahapon. Dalawang love letter lang ang nagawa ko't kulang pa ako ng tatlo dahil ang plano ko'y MWF this week maghuhulog ng love letter sa locker nya't TTH naman next week then I'm done.

Ang pinaka point lang naman ng kabaduyan at nakakaumay na mga rose and letters na ito'y para maalis ang atensyon nya sa akin. Enough na iyong two weeks na iyon with love letters, everyday naman sya may roses for 1 month.

Napabuntong hininga na lang ako ng maisip kung magkano ang mababawas sa cash ko. Ilang flash drive din yun. Tss, tapos naka 16k pa ako sa kanya kahapon. Badtrip talaga oh. Ang gastos ng mission na ito.

Nakasealed yung love letter sa loob ng maliit na plastic envelope. Maingat na binuksan ko iyon syaka hinulog sa siwang ng locker nya. Siguradong sigurado na malinis iyon at walang finger prints ko.

Lumabas na din agad ako sa locker room pagkatapos. Saglit na chi-neck yung CCTV at binura yung trace na nanggaling ako doon. Mahirap na, baka hanapin nya kung sino ang 'secret admirer' nya't mauuwi sa lahat ang pinaghirapan ko pag nalaman nyang ako ang may gawa ng mga ito. 

Pagkarating sa classroom namin ay may isang classmate na ako doon. May mga isinusulat sya sa notebook nya't napahinto sya ng marinig ang mga yabag ng paa ko.

"Eve.." Si Marybeth.

Kasama sya sa 'matitinong tao' na endangered specie na sa school na ito. Nabibilang na lang sa daliri ng isang kamay yung mga kagaya nya't kung ako ang tatanungin ay hindi sya nababagay sa school na ito.

A Thing Called KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon