C9: Brother

5.2K 189 17
                                    


Kahit na maganda yung kinalabasan ng pag post ko sa video presentation ko sa site ng school namin ay hindi pa din ako natuwa. Hindi ako natuwa kasi walang nakakatuwa.

Kanina pa salubong ang mga kilay ko't kahit anong gawin ko'y ayaw mawala ng mabigat na pakiramdam na iyon sa dibdib ko at sa totoo lang ay hindi nakakatulong doon yung may malakas na katok sa ulo na iyon na kanina pa katok na katok sa pinto ko.

Wala ba syang creative na utak? Hindi ba nya naiisip na marahil ay tulog na ako o di kaya'y wala akong balak na pagbuksan man at labasin sya?

Tok

Tok

Tok

Pinaningkitan ko tuloy yung pinto na iyon. Isang katok pa talaga ng kung sinumang may sapak sa ulo na iyo'y tatalon na ako sa bintana sa kwarto ko't magdidive sa swimming pool. Sisisid ako sa kailaliman nun at doon na lang mag-s-stay.

"Eve??.. tulog ka na ba? Di ka pa nag di-dinner ah?"

Tahimik lang ako't nakatitig sa pintong iyon ng biglang pumihit yung door knob nun. Shit. Hindi ko yata yun na-lock.

"Bubuksan ko ah?"

"Wag-"

"Hi.."

Todo ngiti sya't nagawa pang kumaway bago malalaki ang mga hakbang na lumapit sa kama ko.

"Ano yang ginagawa mo?"

"Ano sa tingin mo?"

Ngumiti naman ito ng pakalawak lawak sa akin at sigurado akong kung ano man ang iniisip nya'y hindi ko magugustuhan.

"Wala. Kaya pwede mong samahan si Kuya sa Mall! Hahahaha."

Anong nakakatawa? Tss.

Humiga ako sa kama ko't napabuntong hininga pang nagtalukbong ng kumot hanggang sa mukha ko. Tama ang hinalang hindi ko nga iyon magugustuhan.

Minsan talaga nagdududa ako kung 26 na ba talaga sya o 3 years old pa lang? Baka nakainom sya ng kung ano mang gamot na naging sanhi ng paglaki nya.. but that's just wishful thinking.. na may 'paraan' pa para maibalik ito sa dati.

Niloloko ko lang ang sarili ko, naglolokohan lang kaming dalawa dito.

Lumapit sya sa akin at niyakap ako bago tinanggal yung kumot sa mukha ko't hinalik halikan pa yung pisngi ko. Kung yung normal na magkakapatid siguro mapapa 'aww' o 'so sweet' sa ganitong sitwasyon pero ako hindi.

'Yuck'

Pag kahiwalay nito saki'y sinamaan ko sya ng tingin syaka ko pinunas yung manggas ng damit ko sa mag kabila kong pisngi.

"Hahaha ang cute cute mo bunso."

Pinanggigilan pa nito yung pisngi ko.

'Bwisit naman oh!'

Hinampas ko yung kamay nya't tinulak sya ng bahagya palayo sa akin. Ayoko ng ganitong mga sitwasyon, ayokong gumaganun sya sa akin. Ayokong sobrang lapit nya sa akin. Ayokong andito sya sa kwarto ko habang tila ba sya sinapian ng kung anong mapaglarong espiritu. Ganung hindi naman playground ang kwarto ko't mas lalong hindi nya ako playmate.

Lumapit naman ito't pilit akong hinihila mula sa pagkakahiga ko sa kama.

'Why can't he just leave me alone?'

"Tara na kasi.. kakain tayo sa mall tapos manunuod ng sine tapos kakain ulit tapos bibili ng bagong damit tapos kakain ulit tapos maglalaro tayo sa arcade tapos kakain ulit tapos uuwi na tayo"

Puro kakain lang ang narinig ko at kung yun lang ang gagawi'y hindi nya ako mapapa oo.

"Ayoko."

A Thing Called KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon