C1: Not the Last

13K 337 46
                                    

Napaderetso ako ng tayo mula sa pagkakasandal ko dito sa pader ng mapansin kong lumabas na sa wakas mula sa simbahan si Stephanie Muñoz kasama ang buo nyang pamilya.

Kanina ko pa sila hinihintay. Sya, kanina ko pa sya hinihintay.

Mabilis na itinapat ko sa mata ang camera ko't zi-noom iyon sa kanila bago iyon ki-napture ng makuntento. Sunod sunod na shots ang ginawa ko habang papalapit sila sa kotseng sinakyan nila kanina papunta dito.

Mayaman sila.

Mayroon silang anim na kotse, bukod pa doon yung walo pang iba na hindi nakarehistro sa mga pangalan nila tapos yung dalawang yatch at isang island na off the records din.. natatagong kayamanan na kung pagtutuunan lang ng pansin ay madali lang din naman hanapin. Sadyang may mga tao lang talaga siguro na ang trabaho'y magbulag bulagan.

Napailing ako doon.

Madaming ganun sa school namin.. wala nga lang silang sweldo.

Tuwing ganitong okasyon ay isang sasakyan lamang ang gamit ng Muñoz family. May dalawa naman silang convoy na sasakyan kung saan nakasakay ang mga security nila, isa sa harap at isa sa likod.. pero kahit na ganoon, para sa akin ang bobo pa din nun.

Paano kung may nagsira pala ng preno ng kotseng sinasakyan nila? O di kaya'y may magpaulan ng bala sa sasakyang iyon? Paano kung may nagtanim ng bomba doon? Edi lahat sila patay? Sinong magmamana ng mga kayamanan nila? Sinong magpapatuloy ng mga negosyo nila? Not that I care, hell I'm sure na lahat naman ng mga iyon ay hindi talaga sa kanila in the first place.

Nakontento na ako sa mga nakuha kong litrato kaya balak ko na sanang umalis ngunit ng makitang andoon pa din ang mga Muñoz.. napabuntong hininga na lang ako.

Madaming security guards na nakapaligid sa kanila. Mga nakaputing long sleeve ang mga iyon. Matikas ang mga tindig nila't malilikot ang mga mata, alerto ang mga iyon habang walang kangiti ngiti ang mga labi.. at habang nasa labas sila'y hindi pa ako pwedeng lumabas mula sa pinagtataguan ko.

Baka pagdudahan nila ako't lapitan.. at ayokong mangyari iyon.

Pinunasan ko ng panyo yung noo ko pababa sa leeg ko't isinunod yung batok ko pagkatapos. Kanina pa ako pinagpapawisan dito sa pwesto ko't hindi nakakatulong doon ang jacket na suot ko.

Hinubad ko muna iyon dahil sa tansya ko'y may sampong minuto pa bago umalis ang mga Muñoz. Nakikipag kamayan pa muna kasi yung father nya sa mga tao doon.

Ganoon talaga. Mayor eh.

Madaming nakapila sa harap nya't isa isa nya yung kinakamayan, makes me wonder kung mababawasan ba yung paghihirap na nararanasan ng mga taong iyon pag nahawakan yung kamay nya.

Naumay ako doon kaya pinagdiskitahan ko na lamang yung mga shots na nacapture ko kanina. Inisa isa kong tinignan yung mga iyon hanggang sa matigilan sa pangalawang shots na nakuha ko sa kanila.

Hawak hawak ni Stephanie ang kamay ng 8 years old brother nyang si Wesley habang nakaakbay naman sa kanya ang 25 years old brother nyang si Joaquin. Nasa gawing harap nila ang mga magulang nya't magkahawak ang mga iyon ng kamay.

They're the image of a perfect family.

And everything that's perfect is not real. Pamilyar ako sa konseptong iyon.

Hinintay ko munang makalayo ng tuluyan ang Muñoz family kasama ang mga security nila bago ako lumabas sa pwesto ko't sumakay sa bike ko't pinaandar iyon. Alam ko kung saan pupunta ang mga Muñoz pero hindi ako doon pupunta.

Tinignan ko yung oras sa relo ko.

10:48 am.

Alas dose ang usapan nila sa isang abandunadong gusali. Doon ako pupunta para siguraduhing mauuna ako sa kanila. Ang tinutukoy ko ay si Stephanie Muñoz at isang nag ngangalang Luis Lopez. Ang kanyang boyfriend number four.

A Thing Called KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon