C18: Sick

4.4K 150 13
                                    

Pagkabalik ko sa flower shop ay wala na yung mga college students sa tapat nun. Salamat naman. Pumasok na agad ako sa loob ng flower shop, nakangiting binati ako ng babae. Nag aayos pa sya ng mga bulaklak so I guess kaka open lang nya.

"Para kay Maricar?" Nakangiting tanong pa nya. Alam ko na ang nasa isip nya'y crush ko o nililigawan ko yung Maricar na yun.

Tumango na lang ako sa kanya't bumunot ng cash sa wallet ko. Sabado ngayon at sa bahay i-de-deliver yung bulaklak pati bukas. Seven na yung binayaran ko para hindi na ako babalik dito sa mga susunod na araw.

Nagsisimula na akong maasiwa sa flower shop na ito.

"Mukha pong mahal na mahal nyo sya. Kayo lang po ang customer kong araw araw nagpapadala ng flowers." Tila kinikilig pang sabi nung babae na Natasha ang pangalan.

Hinayaan ko na lang isipin nya yung kung ano mang gusto nyang isipin. Wala ako sa mood magsalita.

Pagkatapos sa flower shop na iyon ay umuwi na din ako sa bahay. Pagkabalik ng bike sa garahe'y saktong pasok ni Kuya.. nakabihis sya't mukhang may lakad.

Awkward na lumapit ito sa kotse nya't nilaro laro yung susi nya. Nag dadalawang isip kung sasakay na sa kotse o kakausapin ako. Matutuwa ako kung yung unang option ang piliin nya.

"I'm sorry about yesterday.. I uhmm, that's so insensitive of me to say. Ngayon ko lang narealize.. and Eve.." Bumukas yung bibig nya't sumara din pagkatapos bago tatango tangong binuksan na yung pinto ng kotse nya. "I'm sorry." Yun lang at sumakay na sya sa kotse nya't mabilis na binuksan ng mga guard yung gate.

Tila walang narinig na nagdere- deretso ako ng pasok sa loob ng bahay. Malayo pa lang ay natatanaw ko na yung naninindak na mga mata ni Aling Openg. Nakapamewang sya sa staircase so hindi ako makakapunta ng kwarto ko ng hindi dadaan sa kanya kaya napagpasyahan kong huwag na lang munang pumunta sa kwarto ko.

Sa sala ako pumunta't binuksan yung malaking TV namin. Kinuha yung mansanas na nakalagay sa ibabaw ng table doon syaka kinagat. Nahihintakutang hinablot iyon ni Aling Openg sa akin.

"Hindi mo man lang hinugasan muna bata ka."

Kumuha ako ng dalawang apple at inabot sa kanya. Naguguluhang pinagmasdan nya iyon sa mga palad nya. "Since kayo naman po ang may gustong hugasan muna yan, kayo po mag hugas."

Pinamewangan nya ako't akmang magsisimula na namang sermunan ako ng mag play na yung movie sa TV. "Shhhh, the movie's starting." Nakalagay pa ang daliri sa labing bawal ko sa kanya.

Nakaingos na tumalikod sya sa akin dala dala yung tatlong mansanas na iyon at pamaya maya'y may dala dala na si Lisa na isang tray. Andoon yung mga hinugasan at hiniwa hiwang apple na ngayon. May isang baso ng juice, bacon, hot dogs and scrambled egg.

Yan ang reason kung bakit tuwang tuwa ako kay Aling Openg.. tss. Apple lang ang kakainin ko dyan.

"Pinapasabi po ni Aling Openg na kainin nyo yang lahat. Madami daw pong nagugutom na tao sa mundo ngayon."

"Sabihin mo sa kanya na sa mga taong nagugutom na iyon nya ipakain yang mga iyan." Sabay kuha ko ng plate ng apple. Iminustra kong ialis nya yung tray na iyon sa akin.

Nakangiwing saglit syang nagpapalit palit ng tingin sa akin at sa tray na iyon, bandang huli'y nag aalinlangang kinuha din nya iyon. Paniguradong alam nyang sersermunan sya ni Aling Openg.

Ifi-nucos ko lahat ng atensyon ko sa TV. Yung tipong may reaction paper akong kailangan gawin pagkatapos and long quiz tungkol doon. Effective iyon.. nawala na yung mga imaheng iyon sa utak ko.

Pagkatapos manood ng movie umakyat na din ako agad sa kwarto ko. Handang humanap ng mga distraction.. research about sa Kuya ni Red Estellar at yung Elvie na iyon at pagkatapos, yung tatlong love letter.

A Thing Called KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon