C33: Good Riddance

3.5K 146 16
                                    


"Eve, pwede ba kitang makausap saglit?"

Umiling ako kay Aling Openg. Mabilis na nagpunas ng labi bago tuluyang tumayo sa upuan, pahakbang pa lang ng pigilin nya ako sa braso ko.

"Tungkol kay Melody, anim na taon na sya dito sa atin at-"

"At wala akong pakialam. Ayoko na syang makita mamaya pag uwi ko."

Napabuntong hininga sya sa akin, napasapo pa sa noo nya, parang biglang tumanda ng sampong taon. Hindi ako natinag, kung gusto nyang kasama si Melody, isa lang ang solusyon doon, umalis din sya. Magsama silang dalawa dahil ayoko ng makita ang mukha ng taong iyon.

"Kailangan ko na pong umalis, ma-le-late na ako sa school."

Nagtuloy tuloy na ako ng lakad at sa pagkakataong ito'y hindi nya ako pinigilan.

Pare-pareho kaming mukhang pagod. Pare-parehong mukhang nalugi, nawalan.

Sinubukan kong gayahin yung unang essay na nawala kagabi, ilang oras hanggang sa mabwisit ako dahil madaming parts ang kulang. Hindi ko naman kasi iyon madalas basahin dahil ayoko nga iyong basahin. Hindi ko kabisado ang laman no'n at wala akong ibang copy no'n, picture man o soft copy. Wala.

Hindi ko na iyon maibabalik.

Hindi na nila iyon maibabalik.

Si Melody, makakahanap pa sya ng trabaho. Si Aling Openg, makakahanap pa sya ng kapalit ni Melody. Pero ako? Hindi na. Hindi na mapapalitan yung nawala sa akin. Habang buhay ko na lang yung iisipin, panghihinayangan.

Paglabas ng kusina'y kapansin pansin ang pag iwas sa akin ng mga kasama namin sa bahay.. hindi iyon yung normal na hindi namin pag papansinan, may bigat ang isang ito't nakakasakal.

Nagkuyom ang mga kamay ko dahil doon. Nilakihan ang bawat hakbang ko't pagdating sa labas ay mabilis na sumakay agad ng kotse't walang sabi sabing pinasibad naman iyon ni Kuya Esteban, maging ito'y hindi din ako pinapansin. Buong byahe syang tahimik at suddenly nakakabingi iyon.. tila ba biglang humaba ang byahe't inip na inip na akong makalabas sa sasakyang ito.

Para maaliw ang sarili'y itinuon na lang ang atensyon sa mga nadadaanan sa labas. Sa mga tao, establisyimento't mga sasakyan.

Pagkahintong pagkahinto'y mabilis na hinablot yung bag pack ko't binuksan ang pinto.

"Ingat po Ma'am." Binigyan pa ako ng ngiti ni Kuya Esteban pero hindi iyon yung normal na ngiti nya. Pilit ang isang ito't nakakabadtrip iyon.

Malakas na tinulak ko pasarado yung pinto ng kotse bago walang lingon lingon na nagsimulang tahakin yung school namin.

Wala akong pakialam kung para sa kanila'y sobra at hindi makatarungan yung ginawa ko. Wala silang karapatang makialam sa paghuhusga doon. Akin yung gamit na yun, tanging ako lang ang nakakaalam ng halaga nun dahil kung sila ang tatanungin malamang para sa kanila'y isang piraso lang iyon ng papel, isang piraso ng walang kwentang papel.

Hindi nila maiintindihan kahit kailan ang halaga nun para sa akin.

Salubong ang kilay na pumasok ako sa classroom namin. Masama ang timpla ko't hindi ko iyon kayang itago man lang.

"Oy late si loser! Bago to ah! Bigyan ng palakpak yan!" Nakatayong sabi ni Philip, pang asar na pumalakpak pa pagkatapos.

Nagsigayahan naman yung mga uto uto kong classmates sa kanya.

Hindi ko sila pinansin, ni hindi ko sila napansin, pagpasok na pagpasok ko'y nakuha agad ng isang iyon ang atensyon ko.

Katerine.

A Thing Called KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon