C51: Ready

2.2K 74 88
                                    

Kapag nananaginip ako, hindi ko alam na panaginip lang iyon. Malalaman ko lang kapag gising na ako. Alam ko na halos lahat naman gano'n, may mga sandali lang na hinihiling kong sana hindi ako kasali sa kanila, tulad ngayon.

Maayos na nagsimula ang panaginip ko. Normal na araw ng isang grade six student hanggang sa biglang hindi na.

Hinihingal na napabangon agad ako't nanlaki ang mga mata sa pigurang sumalubong sa akin, hawak nya ako sa magkabilang braso ko't hindi ko alam kung anong nangyayari, nananaginip pa ba ako? Nagsisigaw ako't lumayo sya sa akin dahil doon, nakataas ang parehong kamay sa ere.

"It's me! It's me! It's Katerine, Eve. Breath. You're okay. You're in your room. You're with me."

Taas baba ang dibdib na pinakatitigan ko sya't doon ko lang nakitang si Katerine nga ang nasa harap ko. Unti-unti syang lumapit sa akin ng makita nyang nakilala ko na sya, inaalo ako. "It was just a dream. You're fine."

Napahawak ako sa tiyan ko, sa sakit na ngayon lang napansin doon, yes, it was just a dream. Maging yung pagpintig ng mabining kirot sa pulso ko gawa ng nakatusok doon na marahil ay nagalaw ko kanina sa biglaang pagbangon na ginawa ko'y sinasabi din sa aking ito ang totoo. Yung kanina, panaginip lang iyon.

Nanghihinang sumandal ako sa headboard ng kama ko. Iginala ang mata sa kwarto ko't ng makasiguradong kwarto ko nga talaga ito ay syaka lamang unti-unting kumalma yung dibdib ko.

"Kukuhanan kita ng tubig." Paalam ni Katerine pero bago pa sya makalayo'y hinawakan ko na yung kamay nya't hinila sya palapit sa akin.

"No. No, I don't want water."

Saglit nya akong tinignan bago sya tumango't tulad ko'y sumandal din sa headboard ng kama ko.

"Anong napaginipan mo?" Tanong nya pagkatapos. "Sumisigaw ka kasi tapos umiiyak." Sabay turo pa nya sa pisngi ko.

Hinawakan ko iyon at mabilis na pinunasan ng masalat na basa nga ng luha, nag iwas ng tingin ng makitang nakatingin sya sa akin.

"Wala. Just.. just zombies." Pagsisinungaling ko pero hindi nakisama yung mga luha ko. Nagmamagaling na nagsipatakan sila sa pisngi ko't hindi ko alam kung nakita sila ni Katerine.

Siguro oo, kasi pamaya maya lang ay marahan nyang hinawakan ang kamay ko't hinimas himas ng hinlalaki nya yung mga knuckles ko.

"It was just a dream.. they're not real. They can't hurt you here.. I won't let them."

Napalingon ako sa kanya't nakaramdam ng mga hindi maipaliwanag na bagay. Madami iyon pero dalawa lang ang napangalanan ko. Warm and.. protected.

She looks so ready to fight, to protect me. Dapat akong matuwa, I know, pero hindi.

Napahinga ako ng malalim, naalala yung napag usapan namin ni Lanie kanina.

+++

"Katerine. She wants Katerine."

"Bakit? Anong kailangan nya kay Katerine?"

Tinitigan ko si Lanie ng mariin. Alam ko na kapag sinabi ko sa kanya ang totoo, malaki ang posibilidad na palayuin nya ako kay Katerine pero wala naman akong balak sundin sya kung sakali at mabuting malaman nya iyon ng maaga.

"Eve.."

"Paano kung sya mismo? Palalayuin mo ba ako sa kanya?"

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay nya. "Kung sa tingin mo palalayuin kita sa kanya, siguro nga dapat kitang palayuin sa kanya. There's a reason why you're not answering my question here."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 26, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Thing Called KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon