C2: You Are What You Eat

8.5K 257 8
                                    

Nakatayo ako dito sa tapat ng classroom namin dahil ayaw akong papasukin ni Philip Vega.

Kasama nya ang mga kaibigan nya pero hindi sila kasama sa kalokohang ginagawa nya. Nakatayo lang sila doon, walang pakialam sa ginagawa ng 'kaibigan' nila. Nakabukas ang mga cellphone nila't naglalaro ng online games.

Hindi naman ako umangal at hinayaan na lang si Philip sa pagpa-part time nya bilang security guard ng classroom namin tutal wala pa naman si Ma'am. At syaka mayroon din akong hinihintay.

Napatingin ako sa hallway ng bigla iyong umingay. Mukhang dumating na sya. Maririnig ang pag 'Booooo!!' ng mga tao. Humawi iyon at iniluwa ang isang Stephanie na pulang pula ang buong mukha. Marahil ay dahil sa galit at hiya. Tinutulak nya yung mga studyanteng nakaharang na ayaw syang padaanin.

Kung dati rati'y nanginginig pang sumusunod sa mga utos nya ang mga studyante'y ngayo'y hindi na. May nakita pa nga akong nambato ng papel na lukot sa mukha nya.

Ito ang pinaka gusto kong part.

Ang makitang yung mga nagmamataas ay nasa ibaba na ngayon. Nakaka enjoy syang panuodin para sa akin. Yung makitang magising sila sa katotohanan na normal na tao lang sila't hindi kailangan sambahin. Bakit ba kasi sya, sila ganyan? You are what you eat daw kaya ang tanong ko ngayon, anong klaseng basura ba kasi ang kinakain nila para maisip na kailangan silang sambahin?

At kung sino man ang magsasabing hindi deserved ni Stephanie ang nangyayari ngayon sa kanya'y malamang nakakain din ng basurang iyon.

Stephanie Muñoz. Kinoronahang Darling of our School. Ok pa sana noong una. Pero actually hindi talaga.. isa kasi syang 'pabebe'. Hindi ko alam kung yung word na pabebe ba yung nauna o sya mismo. Siguro nagawa yung word na pabebe dahil sa kanya at simula ng makoronahan sya'y dumami din ang pabebe sa school namin.

Para yung sakit na kumalat, airborne yata dahil sobrang bilis nilang dumami at sobrang sakit nila sa mata. Yung mapapapapikit ka na lang o di kaya'y dudukutin mo na lang yung mga mata mo sa mismong socket wag mo lang silang makita.

Nag blu-blush pa sya noong una sa mga compliments sa kanya, masakit din yun sa mata pero ok lang, hindi naman nya kasi ako sinanay dahil paglipas lamang ng ilang araw ay parang na abduct na ng aliens yung tunay na Stephanie dahil ibang iba na sya pagpasok nya sa school.

Yung paghanga ng mga it's either 'inosente' kong mga schoolmate or sadyang 'mababaw' lang talaga sa kanya'y ginamit nya bilang kapangyarihan nya. Parang nagbabahay bahayan pero yung sa kanya'y puli-pulitikahan. Pinagpra-practice-san yata yung mga schoolmates ko dahil mukhang gusto nyang sumunod sa yapak ng tatay nya, suot suot nga lang ang hills at korona nya.

Medyo corny sya kung ako ang tatanungin.

Namamahiya sya pero pinagmumukha nyang sincere ang pagkakasabi nya. Parang may concern pero wala naman. Purong panlalait lang talaga. Sabaw lang kasi yata talaga yung utak ng mga schoolmates ko't sakay na sakay naman sila.

Marami din syang alalay. Yung mga studyanteng sa halip na naka focus sa pag aaral ang atensyon ay suma sideline pa bilang alipin nya.. pero wala silang sweldo. Wala talaga, kaya malaking malaking question mark sa akin yung mental health ng mga schoolmates ko eh.

Madami din syang manliligaw ngunit wala syang sinasagot kasi ayaw nyang magbago yung pagtingin ng mga schoolmates namin sa kanya. Tss kahit magpatayo pa sya ng headquartes ng mga single o maging boyfriend pa nya yung pinakahinahangad na maging boyfriend sa buong mundo'y hindi nya makokontrol yung pagtingin ko sa kanya. Kailan pa nagbase doon yun diba? Anong klaseng basura ba kasi talaga yung kinakain nya?

Pero lingid sa kaalamanan ng lahat ay may dalawa syang boyfriend dito sa school namin. Maging yung dalawa nyang boyfriend ay hindi iyon alam. Pero nililinaw ko lang, hindi ako tsismosa. Wala akong pakialam kahit boyfriend pa nya lahat ng mga boys sa school namin, wala talaga. Kahit isama pa nya si Dean wala akong pakialam.

A Thing Called KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon