C27: Shit Happens

4.4K 149 5
                                    


"Ma'am ingat po kayo."

Tumango lang ako kay Kuya Esteban at nang masiguradong walang makakakita sa akin ay lumabas na ako ng sasakyan.

Papasok na ako ng gate ng mapansin ko yung pulang kotse na iyon na alam kong sinasakyan ni Katerine. Nilagpasan ako nun at nagdere- deretso papunta sa parking lot.

Tuloy tuloy lang ako ng lakad papuntang classroom ng biglang may bumunggo sa akin. Hindi na ako nagulat ng makitang si Katerine yun. Ugali nya talagang gumawa ng bagay na hindi nakakatuwa.

"Ooopps sorry I was trying to catch up.. didn't mean to bump into you hehe."

Hindi ko sya pinansin at hinayaan kong sumabay sa akin. Kitang kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag ngiti niya.

'Ano bang kinakatuwa nya? Yung hindi ako natutuwa sa kanya?'

Naglalakad lang kami ng bigla syang huminto. Magtutuloy tuloy na sana ako't hindi sya papansinin ng bigla na lamang syang tumakbo papunta sa direksyong hindi tinatahak ang classroom namin.

Yung classroom namin na tanaw ko na't kitang kita ko yung grupo ni Philip sa labas nun.. at wala ako sa mood na magpabatok sa kanya ngayon kaya pikit matang sinundan ko na lang si Katerine.

Lingon ako ng lingon pero bigla na lang syang nawala.

Saan sya nagpunta?

Pupunta sana ako sa kaliwa kung saang malapit ang mga cr ng may mga sigaw akong narinig sa gawing kanan.. sa gawing garden. Sinundan ko iyon at bumungad sa akin si Katerine na nakikipagtalo sa tatlong lalaki.

Hindi din nakaligtas sa mga mata ko yung isa pang lalaki na nakaupo sa lupa. Ibinalik ko yung mga mata ko kay Katerine.

'Ano na namang ginagawa mo?'

Wala sanang balak makigulo pero ng magmukhang magiging pisikalan na yung nangyayari'y lumapit na ako. Walang CCTV sa area na ito, delikado.

Though wala din namang safe na lugar sa school na ito talaga'y hanggang maaari'y dapat umiiwas sya sa mga lugar na walang CCTV.. at umiwas sya sa pagpapakabayani.

"Katerine." Tawag ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin, ni hindi nya ako nilingon.

Gumaganti yata sa mga panahong hindi ko din sya pinapansin.. at medyo madami dami yung listahang iyon sa totoo lang.

"Sinabihan ko na kayo diba? Bakit hindi pa din kayo tumitigil?" Katerine.

Tumayo yung lalaki na nakaupo sa lupa kanina at nagpagpag ng sarili nya. Sinipat sipat pa nya yung salamin nya na basag.

"Ok na ako Ate Kate. N-nabasag lang yung salamin-"

"Wag ka ngang magsalita!" Sigaw nung isang sa tatlong lalaki.. hindi na nga iyon nakakatuwa'y tinadyakan pa nya yung lalaking may basag na salamin na naging dahilan ng pagkaupo ulit nito sa lupa.

'Bangon!'

Pero hindi na iyon tumayo.

Maputik ang lupa dahil mukhang kadidilig lang ng hardinero sa mga halaman dito. Madumi na tuloy tignan yung lalaki't mapagkakamalan na itong taong putik dahil mukhang kanina pa sya pagulong gulong doon. Malapit na syang maging unidentifiable.

Hinawakan ko na si Katerine sa braso.

"Hayaan mo na sila. Puro mga lalaki yung mga iyan.."

"Hahaha so ang sinasabi mo ba'y babae yan? Wew?" Yung nasa kaliwa ng sumipa sa lalaki iyon.

Base na din sa nakita't narinig ko. Mukhang naka encounter na ito ni Katerine dati. At mukhang same scenario din. Same na bully at same na bullied.

A Thing Called KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon