"Sigurado ka bang gusto mong kumanta kasama ako?"

"Bakit naman hindi?"

"Hindi ka ba natatakot that I can pull you...down?"

"Not at all. May mas down pa ba sakin na ni isa walang gustong manood at makinig? Hahaha"

Lumapit na ko this time sa inuupuan nyang foldable chair saka naupo sa semento beside her.

"Naku wag kang maupo jan! Dito ka na lang sa upuan--"

"I'm fine. Sit still okay?"

"O sige na nga kahit nakakahiya. Ako nga pala si Han Ju-hee"

"Nice to meet you Ju-hee. So what should we do?"

"Ah! I'll sing one of your songs!"

"Which one?"

"I'm going crazy"

Of all the songs, bakit yun pang kanta ko kay Sujin? Naman. Eh lahat naman ng kanta ko para sa kanya eh. Kaso bakit yun pang kanta nung nagbreak kami? Sabagay that's my last hit song bago ako nawala.

"Seven?"

"Ha? Ah sige yun na lang. I'll do some second voice. I can play the guitar for you too"

"Sure!"

She handed me the guitar she's holding. I started to strum the guitar. When she starts singing, nagulat pa ko how cool her voice is. I can even say na mas deserving pa syang panoorin kesa sa dalawang lalaki kanina. Paminsan minsan nagse-second voice ako and I'm surprised how she complements my voice so well to think na panglalaki yung I'm going crazy.

"Ui si Seven oh!"

Nagkatinginan pa kami ni Ju-hee in the middle of the song ng may university girls na napadaan sa harap namin.

"Tara na. Di na sikat yan kaya kahit sa newbie nakikikanta na lang"

"Ang harsh mo naman, Min-ji"

I tried so hard na hindi magpaapekto sa narinig ko. Bat ba di pa ko masanay sanay? Naramdaman ko ang pagdantay ng kamay ni Ju-hee sa balikat ko saka sya bahagyang umiling at ngumiti habang patuloy sa pagkanta. We played a couple more songs that she picked which are usually mine before she called it a night.

"I enjoyed jamming with you, Ju-hee"

Tinulungan ko syang bitbitin yung gitara nya habang papunta kami sa subway station since may dala syang foldable chair at backpack.

"Me too! Gustong gusto ko talaga mga kanta mo, Seven. Yung mga classmates ko nga ayaw na ko pakantahin kasi puro yun ang kinakanta ko kahit di pangbabae haha"

"Why?"

"I can deeply feel the melody kasi. Naka loop nga sa phone ko yung songs mo tingnan mo" pinakita nya sakin ang phone nya at nakita kong nagsasabi nga sya ng totoo. "Lalo pa nung nagbreak kami ng boyfriend ko haha"

"Ju-hee"

"Ano yun?"

"Why are you not indifferent to me?"

"Ha?"

"I mean wala na kong fans dahil sa nangyari pero bakit para ka paring number one fan ko?"

"Haha bakit naman hindi? Pag fan ka naman diba dapat suportahan mo ang idol mo kahit anong mangyari? Dapat ka parin maniwala sa idol mo lalo pa kung wala na syang pwedeng ipagmalaki. Dapat nandun ka parin para suportahan sya all the way. Diba?"

I suddenly stopped walking. She's full of hope. I can see that time again in years nung nagsisimula pa lang ako. I was like her na kahit may isa o dalawang nanonood sakin masaya na ko. But with her, kahit walang nanonood sa kanya she still gives her best na para syang nagpeperform sa libo libong tao.

Seven and Nine (FIN)Where stories live. Discover now