Nineteen

3K 53 4
                                    

Number Nineteen

Shan's

Papa calling...

Pinindot ko ang Decline button saka napabuntong hininga. Hindi ko muna sinagot ang tawag ni papa. Alam ko naman kasi na galit na galit sya sakin ngayon. Hindi ko naman sinasadya talaga. Sorry, papa.

Nagpalinga linga ako sa paligid waiting for Katy na sunduin ako dito sa airport pero hindi ko parin sya makita sa dami ng tao. Nagpasya akong magpunta muna ng Starbucks at dun na lang maghintay. Tinext ko na lang din si Katy kung nasan ako.

Five days kasi akong nawala. Wala akong pinagpaalaman kung nasaan ako o kung saan man ako nagpunta. Kanina ko nga lang tinawagan si Katy bago ang flight ko para sunduin ako sa airport pero look where she is at nauna pa ko sa kanya. Dapat yata hindi na lang ako nagpasundo.

Last week which was Sunday, the day kung kelan last day ko na as Acting Director, umalis ako ng walang paalam. It just happened. Napakabilis ng mga pangyayari and when I realized what was happening, nasa eroplano na ko kasama si John. Ni wala na nga akong nadalang damit bukod sa suot ko dahil sa pagmamadali nya. Kinuha ko lang ang passport ko at may tourist visa na pala ko na noon pa inasikaso ni John behind my back in case na mapapayag nya ko sa hinihiling nya even ticket. Kailangan nya na daw kasing umuwi for a reason na walang masabing dahilan. Syempre hindi ako pumayag dahil ang usapan ay pagkatapos pa ng buong week sya matatapos maging guide ko. Hanggang sa nalaman ko lang ang lahat lahat kahapon at kinausap nya ko bago ko umuwi ngayon.

Saka ko lang narealize ang lahat. That first phone call bago pa sya umuwi dito, ang dahilan bakit kinailangan pa ng proxy bago sya nagpakita as my guide, that favor he kept on asking me, that bothered look, the pieces all fit like a whole puzzle. Why go through all those troubles? Bakit kailangang ako pa of all people? Bakit kailangan nya pang itago sakin ang lahat? Pero naisip ko, if he did tell me what was happening, papayag nga ba ko? Alam ko naman din sa sarili ko na hindi.

"Shan!"

Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ang malakas na boses ni Katy. Nang tingnan ko ang pinto, nakita ko sya at kasama nya si Jiho na alalang alala. Mahigpit akong niyakap ni Katy ng makalapit sa table ko at naupo. Alam kong gusto rin akong yakapin ni Jiho pero hindi na nya ginawa. Hindi ko lang alam kung bakit pero napansin ko kasing tumingin muna sya kay Katy. Sinantabi ko na lang muna yun.

"San ka ba nagpunta?? At bakit ka nasa ibang bansa, Shan?? Alam mo bang galit na galit sayo ang papa mo dahil tinawagan sya ni Mr. Thompson sa Hawaii dahil bigla na lang kayong nawala ni John??"

"Order lang ako sandali. Kahit kelan problema talaga yung Kano na yun" tiningnan ko na lang si Jiho na naglakad papunta sa counter para magorder ng kape. Ngayon ko lang din kasi napansin na hindi na nga pala ko nakaorder pagdating ko dito kakaisip sa mga problema ko.

"I know, Kate. Tawag nga ng tawag si papa paglapag palang ng eroplano"

"San ba kayo nagpunta? Don't tell me nagtanan kayo--"

"Anong nagtanan?" kunot noong tanong ni Jiho ng makabalik sa table. Inaantay nya pa kasi yung order nya kaya bumalik muna sa table namin.

Seven and Nine (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon