Twenty Five

3K 71 3
                                    

Number Twenty Five

Shan's

Matapos naming magligpit sa kubol, nagsibalikan na ang team sa loob ng bahay to get some rest before dinner.

"Shan kilala mo pala yung mga taga kabila?" Jenna asked me habang papasok kami sa bahay. Balak ko kasing magfreshen up sandali bago lumipat sa kabilang bahay.

"Yung Amerikano lang. Si John"

"So hindi mo kilala yung may pulang buhok?" saglit akong natigilan saka umiling kay Jenna. Of course I can't tell her that he's the famous Seven Lee. Iilan lang yata sa Pilipinas ang hindi kilala ang pangalang yun.

"But he's a friend of John so makikilala ko rin sya later. John invited me for dinner"

"Talaga?? Sama ko!" excited na sagot ni Jenna. Naku pano ba to.

"Ah eh. Sa ibang araw na lang siguro, Je. Nakakahiya kasi pag may sinama ko" she pouted kaya naman tinapik ko sya sa balikat. "Don't worry, Je. Bago bumalik si John sa US, ipapakilala kita. Okay ba yun?"

"Hmp sige na nga. As if may magagawa pa ko"

"Kaw talaga. Baka naman crush mo si red-hair guy?"

"Ah eh. Hindi kaya. Crush agad eh hindi ko pa nga nakikita ang mukha nun"

"Then could it be...John?" huminto ako saka tiningnan si Jenna. I saw her blushed kaya naman napakunot noo ko. Patay tayo jan.

"Hey hindi naman gaya ng iniisip mo, Shan!"

"How are you so sure sa iniisip ko?" nakataas ang kilay na sabi ko. Wala lang gusto ko lang syang magsabi ng totoo. Baka karibal ko pa to eh hahaha.

"Halata kaya. Hindi naman crush as in crush" napakunot noo ko lalo sa sinabi nya. Anlabo eh haha. "I just admire him. You see, si Alex John Smith yun diba? That famous doctor in the States. Syempre gusto ko syang makilala" ay oo nga pala. Bakit ba lagi kong nakakalimutang sikat sa medical field yung lalaking yun? Haha.

"Ah okay. Malay ko ba? Haha. Sige sige I'll ask him to find time to meet you"

"Yay! Thanks, Shan!" tuwang tuwang sabi nya saka huminto na sa tapat ng kwarto nya. "Pahinga na muna ko. Goodluck sa dinner nyo later. Yung sinabi mo ha? Don't forget"

"Oo na haha. Sige pasok na rin muna ko" dumerecho na ko sa may dulong kwarto which is my own room. Katapat nung kwarto ko yung kay Dana. Body wash na lang ginawa ko kasi matatagalan pa ko kapag nabasa ang buhok ko dahil papatuyuin ko pa ng bahagya. After thirty minutes, lumabas na rin ako ng kwarto at lumipat sa kabila.

"Miss Shan?" yung may edad na babae ang nagbukas sakin ng pinto ng kumatok ako sa kabilang bahay.

"Ah opo. I mean yes I'm Shan. John invited me over"

"Pinay ka rin?"

"Huh? Ah opo kayo din?" gulat kong tanong. Ngumiti sya sakin saka niluwangan ang bukas ng pinto.

"Oo. Ako nga pala si Hanna. Pasok ka. Pero si Seven tawag sakin Nana kaya pwede mo na rin akong tawaging Nana. Nasabi na nila sakin na kilala mo silang dalawa kaya okay lang na magtiwala sayo" nakangiting sagot ni Nana habang papasok ako ng bahay. Maaliwalas ang loob kahit pa ordinary lang ang furnitures. Mukhang komportable naman kahit walang electric appliances. May nakita akong gitara na maayos na nakalagay sa rack. That's the only musical instrument na nandun sa bahay.

"Seven, I'll leave Shan here with you. I still need to prepare the dining table. Can you keep her company?" hindi ko napansin na nakaupo pala si Seven sa mahabang sofa sa pinakaliving room. Hala kanina pa pala sya nandun pero hindi ko sya nakita as I scanned the room? Weird.

Seven and Nine (FIN)Where stories live. Discover now