Twenty One

3K 56 4
                                    

Number Twenty One

 

Shan's

 

One month na ang nakakalipas mula ng bumalik ako pero hanggang ngayon hindi parin mamatay-matay ang issue tungkol sa nawawalang boyfriend 'daw' ni Katy. Kahit saan ata ako magpunta ngayon, hindi pwedeng wala akong maririnig na balita kay Eleven or whatever number that guy is. Hindi naman hihinto ang mundo ko kung bigla na lang syang mawala sa Earth. Pero kung si John yan naku baka...wala wala. Wala akong sinabi tsk. Ni hindi na nga ulit yun tumawag sakin after that unexpected call weeks ago. Imagine isang buwan na syang hindi nagreach out sakin. Oh well papel aasa pa ba ko samantalang dalawang taon nya nga akong kinalimutan.

 

Natagalan kasi ang pag-alis ko dahil nagkaproblema sa papers ko samantalang dati napakadali lang naman ng processing nun pag nagaabroad ako. Oh well siguro kasi si Mr. Thompson ang nag-aasikaso ng mga papeles ko dati kapag nag-aaral ako abroad. Anyway, this week naman siguradong may ticket na ko.

 

"Nasan na nga kaya si Seven? Grabe ang sikat sikat na nya hindi lang sa Korea kundi maging sa Amerika tapos bigla na lang syang magddisappear??"

 

Hindi ko maiwasang mapalingon sa mga teenagers di kalayuan sa pwesto ko still talking about that guy. Binalik ko na lang ang tingin sa binabasang libro. Mas may sense pa to ano. Nandito ko sa Starbucks at nagcchill chill kasi nabobored na ko sa bahay. Di bale, mamimiss ko rin to pagpunta ko ng Cuba. Siguradong dun for sure matatahimik na ang mundo ko sa mga entertainment gossips like this.

 

"Isa pa yang Dream Entertainment eh. Anong klaseng presscon yung hinold nila just saying na umalis na si Seven sa kanila na hindi man lang nila sinabi kung bakit! Ang laking kawalan kaya sa kanila nun!"

 

"Baka naman nasa Amerika na at dun ippursue ang career nya! US yun girl!"

 

"Eh di kung nandun sya, dapat nabalita na yun ano ka ba!"

 

"Hay nakakalungkot naman. Wala na tuloy akong inspirasyon! Huhu"

 

I can't help but simply roll my eyes on these girls. Kung pag-aaral na lang nila ang iniisip nila, mas may pakinabang pa ang magulang nila sa kanila. Inspirasyon? Hay mga kabataan talaga ngayon. I closed the book I'm reading saka inubos ang frappe na inorder ko at tumayo na. Hindi rin naman ako makakapagconcentrate sa pagbabasa dito dahil sa ingay nila.

 

Pero san naman ako pupunta? Ayoko sa bahay kaya nga ko lumabas. Wala naman si Katy sa kanila ngayon dahil pinatawag ng papa nya sa Davao. Sa negosyo yata kaya ilang araw syang wala. Si Jiho? Hindi naman pwede na kaming dalawa lang sa pad nya. Lalo pa at nalaman kong may HD pala sya sakin. Naks maka HD hahaha joke lang. Parang ang awkward lang kasi ngayon dahil maiisip kong gusto nya pala ko well kahit ba sabihing di pa naman nya alam na alam ko na. Lagot na pag nagkataon.

 

I was lost on my deepest thoughts ng mapaupo ako sa kalsada dropping my book at bag dahil sa nakabangga ko. Ouch! Ang sakit ng balakang ko ah! Hinimas himas ko pa ang balakang ko habang nagpipilit tumayo when I saw a hand in front of me. Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng black cap at mask. Hala hindi kaya holdaper to?? Waaaahhhh!

Seven and Nine (FIN)Where stories live. Discover now