Eight

3.7K 71 7
                                    

Dedicated to JonalynCatedrilla for being one of the early supporters of Seven and Nine. Thank you :)

 

Number Eight

 

Seven's (in Hangul)

 

Seoul, South Korea...
(Just a reminder that Seven is Korean and lahat ng iniisip at sinasabi nya in Tagalog are meant to be Korean. Salamat)

 

Sa Incheon International Airport palang, napakaraming press at fans na ang sumalubong sa pagdating namin. Sa kabila ng napakaraming security na nakapalibot sakin habang naglalakad papunta sa service car ng Entertainment Company na kinabibilangan ko, parang nawalan din ito ng silbi dahil sa pagpipilit ng mga press na mainterview ako. Kahit na alam ng lahat na hindi ako nagpapa ambush interview dahil ang lahat ay dapat dumaan sa proper scheduling, nagpumilit parin silang makakuha ng scoop sa pagbabalik ko.

 

"Excuse me, please" kahit si Rica ay humahawi na rin dahil masyado na kaming natatagalan sa paglabas. Alam na alam ni Lex na ganito ang mangyayari kaya sinabi nyang magkita na lang kami sa bahay pag-uwi ko.

 

"Seven how's your concert in New York?"

 

"Why are you here in Korean so soon?"

 

"Are you planning to migrate to America due to your overwhelming popularity there?"

 

"Do you still have plans to launch an album here in Korea?"

 

Sa dami ng tanong ng mga press, hindi maiwasang sumakit ang ulo ko. Ang init init, sobrang sikip at gusto kong magpahinga muna gawa ng jetlag sa napakahabang byahe.

 

"Magpapapresscon kami in the next few days. Please paraanin nyo muna kami" malakas na sabi ni Rica. Wala rin naman akong planong sumagot ng kahit anong tanong. Hinawakan ako sa braso ni Rica at ginuide ako para mabilis na makaalis sa gitna ng napakaraming media. Dinaig pa nila ang nag-aabang na fans sa labas ng airport. Pagkaupong pagkaupo ko sa loob ng sasakyan, agad kong pinikit ang mga mata. Sa kabilang upuan naman malapit sa pinto ay nakaupo si Rica.

 

"Alam naman nila ang patakaran natin bakit nagawa parin nilang mag-ambush interview sa airport! Nakakainis!" hindi ko na pinansin ang pagsesentimyento ni Rica at pumikit na lang. "Nga pala Seven, gusto ni President na dumerecho ka sa office nya today. Gusto ka nyang makausap" napadilat naman ako sa sinabi ni Rica.

 

"Dun ko na po ba idederecho tong sasakyan?" sabat ng driver sa unahan namin.

 

"No. Go straight to my house" baling ko sa driver.

 

"Pero Seven..." sagot ni Rica.

 

"Hindi ka ba napapagod Rica? Kakauwi lang natin. Can't we at least rest??" iritado kong sagot. Natahimik naman sya at binaling ang tingin sa labas ng bintana. Muli akong sumandal sa upuan ng hindi na sya nagsalita.

 

"You really changed so much for the past two months, Seven. Dati kahit gano ka pa kapagod sa tours o sa kahit anong schedule natin you always find time kapag pinapapunta ka ni President" nakatingin parin si Rica sa labas habang sinasabi yun.

Seven and Nine (FIN)Where stories live. Discover now