Twenty

3.1K 49 3
                                    

Number Twenty

 

Shan's

 

"Waaaaaahhhh"

 

Hindi ko man lang pinagkaabalahang tingnan si Katy na kanina pa umaatungal na parang baka dito sa kwarto ko. Ngayon na nga lang ako napirmi sa bahay after three days ng pag-aasikaso sa papers ko papuntang Cuba tapos eto pa ang gagawin ni Katy sa araw ng pahinga ko.

 

"Mababaliw na ko, Shan!!!"

 

Finlip ko na lang ang librong binabasa ko at talagang patay malisya sa ingay ni Katy. Actually hindi lang sya ngayon ganyan ngumangawa ng walang tigil. Nung isang araw pa yan ganyan the day after kong makauwi from Paris.

 

"Shan ano ba! Hindi mo ba ko dadamayan sa problema ko?? Hindi mo ba nakikitang broken hearted ako?!!"

 

Hindi ko maiwasang umikot ang mata dahil sa kalokohan ng bestfriend ko. Ganito rin ba ko kabaliw at naging bestfriend ko tong lukaret na to? Psh broken hearted eh hindi naman sila nung lalaking yun.

 

"Seven kooooo!!!"

 

"Can you please shut up for once, Katy??"

 

"Eh kasi naman eh! Hindi parin ako makamove on sa pagkawala ni Seven! Huhu"

 

"Seven! Seven! Wala na kong narinig sayo kundi Seven! Natutulili na ang tenga ko kakasabi mo sa numerong yan eh!"

 

"Hindi mo ko maiintindihan dahil hindi ka naman die hard fan! Hmp! Seven koooo! San ka na bang lupalop ng mundo nandun?!"

 

"Alam mo, yang Eleven na yan gustong gusto ko na talagang sakalin para matigil ka na sa kabaliwan mo eh" binalik ko na lang ulit ang tingin sa binabasa kong libro pero nagulat ako ng bigla na lang ako hawakan ng mahigpit ni Katy sa magkabilang balikat habang galit na nakatingin sakin. "A-anong problema mo, Katy? Nakakatakot ka alam mo yun??"

 

Don't tell me nagalit talaga sya dahil nagbabasa na naman ako ng mga libro. Ayaw na ayaw nya kasing nakikita kong nagbabasa pag kasama sya dahil madalas akong walang pakelam sa paligid kapag nagbabasa ko. Hobby ko nga kasi to haha. Naninigkit pa ang mata nya habang nakatingin sakin kaya sinarado ko na lang ang libro.

 

"Okay okay! Hindi na ko magbabasa. Grabe ka naman makareact jan. Kahit na kakabili ko lang nito sa France at gustong gusto ko ng basahin, ipagpapaliban ko na para sayo kaya lumayo layo ka na nga sakin"

 

"Sinabi ng Seven eh!!! Hindi Eleven!!! My God, Shan! Ilang libong beses ko ba kailangang ulit ulitin sayo na Seven nga!!!"

 

Pakiramdam ko para kong nasa cartoon show na may malaking question mark sa ibabaw ng ulo ko dahil sa sinabi nya. Wow ha? Ganun sya makareact dahil lang sa nagkamali ako ng tawag dun sa boyfriend nyang hilaw? Aba eh daig nya pa ang papatay sa titig nya sakin kanina eh. Binitiwan nya na lang ako saka pumunta sa harap ng desktop computer ko at nagsurf sa net. Pustahan yung lalaking yun na naman ang nireresearch nya kung saang lupalop napunta. Ang kwento kasi ni Katy, bigla na lang daw nawala yung Eleven na yun sa Seoul at walang balita kung ano ang nangyari at saan sya naroroon. Hindi rin alam kung bakit pagkatapos umalis sa Entertainment Company na kinabibilangan nya, biglang naging missing in action. Aba sinong hindi makukuha ang interes nun kung nasa peak ang career nya tapos bigla na lang syang mawawalang parang bula.

Seven and Nine (FIN)Where stories live. Discover now