Eighteen

3K 48 2
                                    

Number Eighteen

 

Sixth Day as Acting Director...

 

Shan's

 

Last day ko na bukas as Acting Director dahil darating na si papa bukas ng gabi. Dapat masaya ako dahil finally, matatapos na ang kalbaryo ko dito. It should be that way pero ewan ko ba. A part of me suddenly doesn't want to end this Acting Director thing. Hindi dahil sa nagbago na ang pananaw ko at gusto ko ng magtrabaho dito. Ayoko parin. It's just that...

 

I don't want him to leave just yet.

 

"What is it, Shanine?"

 

Hindi ko namalayan na napatagal na pala ang pagtitig ko sa katabi kong si John. Halos bulong lang yun dahil we are in the middle of the daily conference with the professors. Ang conference na ni minsan hindi ko pinagkaabalahang pakinggan.

 

"Nothing" I then look away. Ayokong mabasa nya sa mga mata ko ang iniisip ko.

 

"That's all for today everyone" nang marinig ko yun, mabilis na kong tumayo at naglakad papunta sa pinto ng conference room. I didn't even bother to wait for him na sumabay sakin palabas.

 

"Miss Torres" napahinto ako when that same familiar voice echoed the room.

 

"What is it, Professor Marquez?" hindi agad sya nagsalita at tumingin muna kay John na nakatingin at naglalakad na palapit samin. "I'll be waiting in my office. I want to talk to you in private" yun lang at tuluyan na syang lumabas ng conference room just in time na makalapit sa pwesto ko si John.

 

"What was that about, Nine?"

 

"Nothing, John. Go ahead. I'll just talk to him" hindi ko na sya pinasagot at tumalikod pero mabilis nya kong nahatak sa kamay. Kami na lang pala ang naiwan dito sa loob.

 

"Are you avoiding me, Nine?" nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Hinawakan nya ang baba ko para muli akong mapaharap sa kanya. I saw tenderness in his eyes as I look back.

 

"Do I have a reason to?"

 

"Do you?" hindi na ko nakaimik at kasabay nun ang pagbuntong hininga nya. "What I said yesterday was true, Nine. I miss your smiles...and I missed you too"

 

Namiss nya lang ako. He never said he likes me again. He never said he feels the same way like I do. Malaking pagkakaiba yun.

 

 

"What do you want me to say then, John?"

 

"You don't need to say anything. I just want to tell you what I just said. If only I just made you a priority back then. If only I can take you back" ramdam ko ang pagsisisi sa boses nya pero natatakot na kong maniwala.

 

"I need to go. Professor Marquez is waiting for me" yun na lang ang nasagot ko. Nakita ko pa ang pagguhit ng pait sa mga mata nya bago ako tumalikod at lumabas ng conference room. Iniisip ko parin ang mga sinabi nya habang papunta sa office ni Professor Marquez. Pagpasok ko ng pinakaopisina nya, nakita ko syang nakatayo malapit sa bintana at nakatingin sa labas habang nasa likod ang dalawang kamay.

Seven and Nine (FIN)Onde histórias criam vida. Descubra agora