Twenty Three

3K 57 5
                                    

Number Twenty Three

Cuba...

Shan's

"Shan, we're here"

Tumango na lang ako kay Dana. Isa syang American in her early forties at english lang ang way of communicating with her. Isa sya sa mga kasama ko sa medical group consisting of only ten people. Dalawa lang kaming doktor ni Mrs. Dana and the rest are just volunteers assisting us. Yung iba nurses. Mga apat lang kaming Filipino sa medical group.

Pagod na pagod ako sa mahigit labingsiyam na oras ng byahe patungo sa isang malayong bayan dito sa Cuba. Wala na kong lakas kung tutuusin para magsalita pa. Tulad ko, ganun din ang lahat ng kasama sa medical team na kinabibilangan ko. I badly want to go to one of the rooms provided to us and take a good long sleep.

Maayos at malinis naman ang di kalakihang bahay na binigay samin na titirhan namin sa loob ng anim na buwan. May sarili kaming kwarto ni Dr. Dana habang yung iba share share sa natitirang kwarto dahil anim lang ang kwarto sa bahay kaya may tigdadalawa sa isang kwarto.

"I'll go to bed first, Dana. Maybe I'll just grab something to eat when I wake up" Dana lang ang tawag ko sa kanya dahil ganun talaga ang tawagan ng mga Americans kahit pa mas matanda sa kanila ang kausap. Minsan Doctor Dana. Tumango sya sakin at ngumiti saka sinara ang pinto ng kwarto ko.

Pagpasok ko sa kwarto, nilock ko ang pinto saka binaba lang sa isang tabi ang dalawang di kalakihang bag na dala ko. Saka ko na aayusin ang mga gamit ko sa maliit na cabinet. Naupo ako sa harap ng maliit na tokador saka tinanggal ang dark brown na wig ko. Binalak ko sanang ipadye ang buhok ko to natural brown para hindi na ko magwig pero masyadong matagal ang six months at mahihirapan lang akong magpaliwanag kapag nagsimulang tumubo ang blonde kong buhok. Inumpisahan ko ng tanggalin ang itim kong contact lens. I stare at my reflection for a long time.

Nahiga na ko sa di kalakihang kama sa kwarto pagkatapos. I'm really so tired pero sa halip na makatulog agad sa sobrang pagod, hindi ko maiwasang maexcite. Hindi ko parin ginagamit ang pangalang Nine sa ngayon. Ako parin si Shan Torres dahil para sakin, eto na ang huling volunteer work ko bilang si Shan. Pagbalik ko sa Manila, I will be Nine Carter.

Sino nga ba talaga si Nine Carter? Bakit ko kinailangang talikuran ang tunay na ako at magpanggap na ibang tao?

Here's my story.

I'm Nine Carter. I'm an American at birth kaya nga meron akong blonde na buhok at green na mga mata. My real father passed away when I was thirteen due to heart attack. Nagpakasal si Mommy kay Papa a year later. Hindi ko yun matanggap noon kaya nagpasya kong gamitin parin ang surname na Carter. We lived in the States kasama si papa and that years na nakasama ko sya, hindi naman pala sya mapagsamantalang tao gaya ng inaakala ko kaya napalapit ang loob namin kay papa. Pero six years ago, ginusto ni papa na bumalik ng Pilipinas para itayo ang pangarap nyang ospital na obviously ayaw ni Mommy. Nanatili kami ng kakambal kong si Shanon sa Amerika kasama sya dahil wala kaming choice since we're still studying. Hanggang sa one day, they stop communicating with each other. Akala ko anulled na sila but when I checked it, legal parin pala silang mag-asawa sa Amerika.

When I graduated from Medical school, sinabi ko kay Mommy na gusto kong bumalik ng Pilipinas para sa residency sa ospital ni papa. Mas gusto ko kasing dun gamitin ang nalalaman ko. I got accelerated a couple of times dahil sa excellent intellectual skills ko making me a licensed surgeon at an early age of 24. Meron kaming University Hospital which obviously meron din kaming eskwelahan. Professors ang tawag sa mga doktor sa mga University Hospitals. Kaibigan kasi ni papa way back from the States si Mr. Thompson at meron na syang school kaya nagpasya si papa na sumosyo dito para makapagpatayo ng University Hospital. Dahil sa pagtanggi ni mommy, tumakas ako at umuwi ng Pilipinas at sinabi kay papa na gusto kong gawin ang residency ko sa University Hospital namin. I don't want a special treatment kaya I took advantage of my different surname at that time and pretended na hindi ko legal father si papa. All throughout walang nakakaalam na anak ako ni papa aside from Mr. Thompson so he secretly transfer my surname to Torres in case na malaman na ang totoo. Afterall gusto rin kasi ni papa na ako ang pumalit sa kanya sa posisyon nya.

Seven and Nine (FIN)Where stories live. Discover now