Forty

2.5K 55 8
                                    

Number Forty

Shan's

Sabay kaming naglalakad ni Seven papunta sa bus station. Maaga kaming umalis kasi pupunta nga kami ng Havana kahit pa one am na ko nakauwi kagabi. Actually, after that night sa hospital, sinasabayan na ulit ako ni Seven magbike papunta dun. Tapos makikita ko na ulit sya sa gabi paglabas ko. During dinner break, sabay kaming kumakain sa tindahan sa labas ng ospital. Parang tinupad nga ni Seven ang request ko na bumalik na sya sakin.

I'm happy. Hindi ko maipaliwanag. Mas masaya ko kumpara sa nakaraang araw. Mas sumasaya pa ko sa bawat paggising ko. And I'm looking forward to seeing him everyday. I don't wanna ask myself for now why. I just want us to enjoy each day together. I don't need questions muna. I don't want confusions.

"This is the first time I feel so good being away from work!"

"Restday is a must you know? You're too workaholic, Shan"

"As if you didn't have that kind of lifestyle before"

"That's why I'm enjoying my vacation stay here"

Natawa na lang ako. I feel so light. Ngayon ko lang nafeel ang regrets na inubos ko ang oras ko dati because of work, research, training and studying all the time just to enhance my surgery skills.

Pagdating namin sa bus stop, sumakay na kami and it will be a long two hour drive. Madalas akong nakatingin sa dinadaanan kapag nagttravel kasi naamaze ako sa iba't ibang landscape ng mga bansang pinupuntahan ko. Pero siguro kulang pa ko sa tulog kaya kahit ayoko, kusang pumipikit ang mata ko. Dahil hindi ko na mapigilan ang antok, sinandal ko na lang ang ulo ko sa headrest pero nagulat ako ng kabigin ni Seven ang ulo ko para mapahilig ako sa balikat nya.

"S-Seven..."

"Shhh. I'll wake you up when we get there"

Napangiti na lang ako saka kuntentong pinikit ang mata. Naalimpungatan na lang ako ng maramdamang hindi na gumagalaw ang bus and something warm's running to my face. Pakiramdam ko may kamay na dinadaanan ang bawat parte ng mukha ko. Unti unti akong dumilat at nakita kong yung daliri pala ni Seven. Nabigla pa sya kaya napaayos sya ng upo.

"What...are you doing?"

"Huh? N-Nothing"

"Really?" nilapit ko pa ang mukha ko to see him close enough pero ako pa yung nailang sa ginawa ko kaya nag-iwas ako ng tingin. Sinukbit ko yung bag ko sa balikat ko saka tumayo na para bumaba. "L-Let's go, Seven"

"Y-Yeah" sumunod naman sya sakin pagbaba pero nagulat ako ng paglingon ko, nakasuot na sya ng mask sa mukha.

"What's with the mask? Are you hiding a zit? Haha"

"Come on, Shan. I have the perfect skin"

"Conceited!"

"Haha. Just kidding. I need to wear this since we're already in the city"

Ahh gets ko na. Habang tumatagal kasi na kasama ko sya, nakakalimutan ko na that this guy is a superstar. Hindi ko naman kasi ramdam na mahirap syang abutin. Siguro kasi hindi ako die hard fan haha. Sumakay kami sa GoCars na popular sa Havana habang naglilibot.

"You should start doing some exercise again, Seven. We don't fit in"

"What?? I'm lean and fit! You're the one who occupies too much space"

"Hahaha. I'm just teasing you" umusad ako ng konti kasi talaga namang sinakop ko yung halos kalahati ng upuan. "Weight conscious haha"

"Because I have a body to die for"

Seven and Nine (FIN)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora